Chapter Nine: Power Leveling Two

5.5K 227 16
                                    

Chapter Nine: Power Leveling Two



Nimphane's POV



"Next to perform is, Cherlindrea Airess Willow. The Air Goddess."



Pagsabi ni Feunus ay agad tumayo si Cherlindrea at sinummon ang air eagle niya. Bago siya umalis ay ngumuso siya sa akin.



"Ano?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko.



"Goodluck?" Sabi niya. Napailing nalang ako sa ugali ng babaeng 'to.



"Goodluck!" Ngumiti ako habang sinabi ko sa kanya 'yon. Ngumiti ito at tumingin kay Ji, inikot lang niya ang mata niya at sumakay sa air eagle niya papunta sa center.



"Your timer starts now!" Sabi sa speaker ni Feunus at nagsimula ng pumatak ang timer.



Pinalabas ni Cherlindrea ang kanyang air fox at pinaatake niya ito sa barrier. Pero parang walang effect ito. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Cherlindrea. Gumawa siya ng malalaking tornadoes at nilagyan sa loob ng airblades at pinatama sa barrier. Nakita ko ang pagcrack kaunti ng Barrier kaya napangisi siya. Nisummon niya ulit ang air eagle niya at pinaatake sa barrier kasama ng air fox. Nadagdagan pa ang crack ng barrier.



Tumingin siya sa timer, 21 seconds left. Kaya pinaglaho niya ang air fox at air eagle niya. Inisummon niya ang air dragon niya na pinalakpakan ng lahat. Umatake ang air dragon niya sa barrier at naging malaki pa ang crack na halos mapuno na ang barrier.



Aatake pa sana ang Air Dragon niya ng biglang tumunog ang timer. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya. Naglaho bigla ang kanayang air dragon niya. Lumitaw sa screen ang 92% na average. Mas mataas ng isang average kay Ji. Pumalakpak naman ulit ang mga estudyante sa loob.



Lumitaw sa harap niya ang kulay white na itlog. Nag crack ito at lumabas ang kulay puting baby lion na may pakpak ng eagle. Katulad kay Ji at pumulupot din ito sa leeg ni Cherlindrea. Kita ko sa mga mata niya na ang saya niya. So 'yan pala ang kinaeexcite niya.



Sinummon niya ang Air Eagle niya at sumakay papunta sa amin. Pagdating niya dito ay pinaglaho niya ang air eagle niya at tuwang tuwa na nilalaro ang kanyang Air Lion.



"Ang cute niya 'diba Nimphane?" Sabi ni Cherlindrea sa akin habang nakatuon parin ang atensyon niya sa baby lion niya.



"Anong pangalan niya Cher?" Tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang mga paa nito. Ang lambot ng mga balahibo niya.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon