Chapter Eleven: You Make Me Crazy

5.3K 201 29
                                    


Chapter Eleven: You Make Me Crazy



Nimphane's POV



Pumasok na ako sa loob habang inaalala ang kanina. Sana maulit muli iyon. Pumunta agad ako sa kusina at nadatnan ko silang tatlo na kumakain. Tumingin naman sa akin si Cherlindrea na nakataas ang kilay.



"Saan ka galing bruha?" Tanong niya sa akin. Bakit kaya ganyan siya.



"Cafeteria." Maikling sagot ko. Tiningnan ko naman si Gaius pero naka-focus ito sa kanyang baby lion. Nagpaalam naman ako na pupunta na ako sa kwarto ko.



Pagdating ko sa kwarto ay agad kong hinanap si Axria at nakita ko siyang nilalaro ang maliit na bola. Ang cute niyang tingnan sa posisyon niya ngayon. Nilapitan ko siya habang naglalaro parin siya. Ng makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at dinidilaan ako. Mukhang namiss niya ako ah.



"Namiss mo ba ako baby Axria?" Tanong ko sa kanya pero hindi ito sumasagot. Kinakausap ko lang siya ng kinakausap na para akong tanga dito. Narinig kong may kung anong tunog sa terrace ng room ko kaya tinignan ko ito.



Nagulat ako dahil si Gaius ay nakaupo ng prente sa upuan tas nasa likod niya naman si? Ah? Hindi ko kilala baby lion niya eh.



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.



"Tambay?" Patanong niyang sagot sa akin kaya napailing nalang ako.



"Una sa lahat sino nagbigay ng permission sa'yo para tumambay dito? Pangalawa, may pintuan naman na pwedeng daanan pero bakit dito pa sa terrace umakyat?" Tanong ko sa kanya.



"Gusto ko lang." Sabi niya kaya napailing nalang ako sa sagot niya.Minsan iniisip ko kung may bayad ba tuwing nagsasalita siya dahil sa tipid ito kung magsalita. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ang baby lion niya ng bumuga ito ng apoy pero hindi naman ito dumapo sa akin dahil naglaho nalang ang apoy. Natawa ako sa inasta ng baby lion niya.



Ilang ulit niya pa akong nitry na bugahan ako ng apoy pero hindi ito dumadapo sa kamay ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon