P.A ☺ 3

1.8K 72 1
                                    

Georgia Pov

" Nay bisita po pala tayo " si ate na driver ng jeep ..

" Katelyn anak sila yung niligtas mo " si tatay

Tatay ??? Maka tatay hindi naman ako anak .

Chineck ko siya ng maigi at napansin ang nakabenda sa braso niya . May bakas pa ng dugo .

Nakakaawa naman tong babaeng to .

" ganun po ba ? Bakit po kayo napadalaw " tanong niya kela mom and dad bakit saken hindi siya tumitingin . Nandito ako oh ! May tao dito oh !!

Tumayo sila mom dad pati ako napatayo na rin . Napasilip ako sa mga magulang ko si mom naluluha pa . Si dad parang gusto na niyang yakapin tong babaeng to ..

" hija sobrang nagpapasalamat kami sayo utang namin ang buhay namin sayo ..." si dad

Hindi na natapos ni dad sasabihin niya ng mag salita ito .

" ayos lang po yun wala naman po yun saken " sabi niya namumula pa siya .

" ako pala si Gregor Frias siya ang aking misis na si Maricel Frias at anak kong si Georgia Frias " pakilala ng dad ko sa kanya ngumiti siya ng ubod ng tamis pati saken .

Yung puso ko ang likot na parang kinikiliti .
Napahawak ako sa dibdib ko at pasimpleng hinmas himas ang dibdib ko .

Ano ba tong pakiramdam ko ?

Isa isa siyang nakipag kamay samen at nung akin na hahawakan niyang kamay .

" Hi Georgia ... " sabay ngiti

Bakit ganun .. pag siya tumawag ng name ko ok lang saken kahit ifull name niya pa ako .

Dadampi na ang kamay ko sa kamay niya at .... ting .. nag shake hands na kami ... gusto ko ng hilain kasi parang kinoryente yung kamay ko . Kaso .. pag nag shashake hihigpit pa hawak ng kamay niya sa kamay ko .

Parang slow Motion ....😲😲😲😲

" ako naman po si Katelyn Pinagpala " pagkasabi niyang ganun .. tatawa na sana ako kaso nakatitig siya saken pero biglang nagsalita si mom kaya napatingin siya kay mom

" Nais sana namin bigyan ka ng pabuya " si mom

" naku maam hindi na po ayos lang po saken na nagpasalamat at sinadya niyo pa po talaga ako dito " sabi niya ..

" umupo muna po kayo " si Katelyn

" anak bilhan mo kaya sila ng Rc at ensaymada sa bakery " si tatay

" sige po tay " si Katelyn

" maam sir kayo po muna mag usap ng mga magulang ko " si Katelyn

Bigla kong naisip na sumama sa kaniya kesa makinig sa usapn ng magulang sa magulang .

" Can i come with you " napa english ako pero sa reaksyon niya medyo nagulat siya hindi ko alam kung bakit ?

" sige ok lang ba sayo na umangkas sa bike ko para hindi na tayo maglakad .." sabi niya .

Bakit pa ako aangkas e may kotse na man kami .

" bike kasi ginagamit para mas mabilis .. kung magkokotse ka naman sayang gasulina medyo malapit lang naman " paliwanag niya ..

Naghubad muna siya ng sapatos at nagpalit ng tsinelas .

" tara na .. " si Katelyn

" tara .. " sabi ko .

Nakaangkas na ako sa likod ng bike niya . Medyo mabato kaya napa hawak ang bewang niya .

Medyo nagulat siya .

MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon