KATELYN POV
Magdadalawang linggo na hindi nabalik si George dito sa school bawat araw palungkot ako ng palungkot hindi ko na din siya makontak .
Miski chat or text or call wala . Nababaliw na ako kakaisip ano ng nangyari sa kanya ? Kamusta na siya ? Kumakain ba siya ng ayos ? Iniisip niya ba ako ? Namimiss niya din ba ako kasi ako miss na miss ko na siya 😢
Pag tinatanong ko sila Princess lagi nilang sagot saken wala pa sila update . At ganun daw talaga si Georgia pag naging busy pati paghawak sa phone hindi na niya magawa .
Pero diba sana maisip niya may nag aalala din sa kanya . Kasi paano ako ? 😢
Umiiyak na ako kakaisip sa kanya baka mamaya nagbago na isip niya . Na nakahanap na siya ng iba dun kaya hindi na niya ako kailangan .
Nandito ako sa ilalim ng puno at nakasandal . Ng may biglang nagsalita .
" Overthinking brings more pain so kung ako sayo stop mo na yan "
Napalingon ako sa left side ko walang tao sa right side wala din so tumayo ako at sumilip sa likod ng puno .
Napaka ganda niya .
Nakaponytail siya at naka uniform ng soccer . Nakaupo din siya at naka sandal sa puno ." Hi " ngumiti siya ng ubod ng ganda . Mukha naman siyang friendly .
Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik ako sa kinauupuan ko kinuha ko phone ko at chinat si George .
" You know what ? Why dont you try to have some fun like join ka sa mga teams para hindi ka nagooverthink just saying "
Hayst ! Gusto ko magtaray kaso parang gusto ko makipag usap ngayon gusto ko ng kausap ngayon .
" Ayaw ko mas nakakarelax saken pag ganto " sagot ko
Tumabi siya sa tabi ko pero hindi naman sobrang dikit pero sakto para magkarinigan kami .
"Boyfriend? "
Umiling lang ako . Girlfriend pero hindi pa kami . Gusto ko sana isagot sa kanya .
" oh by the way Im Veronica , but everybody calls me Nics " pakilala niya sa sarili niya .
" Katelyn " pakilala ko naman sa kanya .
Hindi naman siya nag alok ng kamay niya so hindi na lang din ako .
" New student? " - Nics
"Yup "
"Hmm.. i see " -Nics
" Sorry if masyado akong fc ahh 😅 ayaw ko lang may nakakakitang malungkot na dalaga " - Nics nakangiti ito ulit
Napaka bubbly niyang tao . Para siya yung klase ng taong goodvibes lang . Chill lang . Nung una naiilang ako sa kanya pero napagkagaanan ko siya ng loob kaugali niya si Sab seryoso pero bubbly .
Hindi ko na namamalayan na natatawa na ako sa mga kwento niya . Kahit papano napagaan niya yung dibdib ko kanina nangangamba .
" Captain !" - sigaw ng babaeng naka uniform din ng soccer
"Oww Hi hows practice ?"- Nics sabay kamot sa ulo mukhang kanina pa siya hinahanap nung babae
" kanina kapa namin hinahanap yari ka kay couch "
" Kamo may LBM ako " -Nics
" wala na ba bago sa excuses mo Captain "
" Paulit ulit na lang ba yun? " - Nics seryoso yung mukha niya . Kaya ako natatawa sa kanya
Napalingon silang dalawa saken kaya napatigil ako tumawa .
" Sorry sige na Nics see you around " kinuha ko na ang bag ko at umalis natatawa pa din ako LbM daw ahahaha
" wait Kate " sigaw niya
" nice to meet yah !" Sigaw niya ulet .
Napakakulet din nung isang yun . Sali na kaya ako sa volleyball team para maaliw ko sarili ko .
Tama si Nics magsports na lang ako .
-----------------------------------
GEORGE POV
Patagal ng patagal parang gusto ko na sumuko . Sa araw araw ng ginawa ng diyos Mag igib at magsibak ng kahoy ginagawa ko .
" Kaya mo pa ba hija ? "- Nanay
" Kakayanin para kay Katelyn Nanay "sagot ko kakatapos ko lang magsibak ng kahoy
Nung unang araw puro saludsud ang kamay ko kasi hindi ko alam paano magsibak . Ilang beses ako natisod kakaigib at ilang balde na natapon kong tubig . Bigat na bigat kalooban ko kasi sana pala hindi ko sinayang oras ko sa mga walang kwentang bagay at sinanay ko sarili ko sa hirap .
Parating na si Tatay kailangan ko matapos to . Pagsisibak kailangan kong makapuno ng apat na sako .
"Hindi kahamak na babae lamang sige pakita mo saken kung ang gawain ng lalaki ay kaya mo ding gawin "- tatay
Galit ang nakikita ko sa mata niya twing naabutan niya akong nakatayo sa pintuan ng labas nila para abangan ang pagdating niya para sabihin tapos na pinapagawa niya .
" Magandang gabi po tatay " magbebless sana ako kaso inalayo niya ang kamay niya .
Mahigit na isang linggo na din niya yun ginagawa pero di ko parin tinitigil at nagbabakasakali akong bumalik na siya ulit sa dati .
"Cesario hindi ba parang sobra na tong pinapagawa mo sa bata " - Nanay
" Hindi ko papaubaya ang anak ko ng basta basta at alalahanin mo nag iisang anak naten pinaguusapan dito " - Tatay
May punto naman si Tatay kaya hindi ako nagtatanim ng sama ng loob kundi desidido pa akong ipakita kay tatay na karapatdapat ako sa anak niya .
" Ikaw pumunta ka bukas ng umaga at magtabas ng ani yan ay kung kaya mo pa " - Tatay kita sa mata niya na parang natutuwa siya na susuko ako
" Kayang kaya po . sige po mauna na ako "paalam ko at nagpaalam na din ako kay nanay
Pag sakay ko sa kotse ko umiiyak na naman ako . Iniiyak ko lang yung hirap nararanasan ko ngayon .
Inistart kona ang kotse at umalis .
Tuloy pa din pag daloy ng luha ko . Hindi ko mapigilan . Miss na miss ko na si Kate gang kelan pa yung pahirap saken ni Tatay .
Sobrang higpit ng hawak ko sa manibela . Para akong bata umiyak dito . Bago ako dumating sa bahay kalma na ako .
Pagdating ko sa bahay . Deresto ako agad sa bathtub ko .
Ano na kaya gingawa ni Kate . Mamaya tatawagan ko na lang sila Sab . Hindi ko kasi magawang tawagan si Katelyn feeling ko kahit anong oras bibigay ako pag narinig ko boses niya . Baka mamaya diko mapigilan yung luha ko at mag alala siya saken .
Matatapos din to . At pag pinagkatiwalaan ako ni tatay uuwi ako agad ng manila para yakapin at ibalita sa kanya na sa wakas tanggap na ako ng magulang niya .
Pero
Paano kung?
Hindi talaga ako matatanggap ni tatay useless lahat ng paghihirap ko . Si Katelyn paano siya .
Naiyak na naman ako .
Mahal kita maghihintay ako sayo - Katelyn
Hindi ako maggigive up . Si Georgia Frias ata to . Lahat ng gusto ko makukuha ko kahit paghirapan ko pa .
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
MY PERSONAL ALALAY (GXG) COMPLETED
Romance" sabing ayaw ko nga ng may buntot ng buntot saken " si Georgia " wala naman ako magagawa kundi sundin sila ayaw ko rin naman ng may binubuntutan noh !" sabi ng PA ni Georgia sa kanya kaasar naman tong buhay na to . Nasan na ang kalayaan ko diba ?