C H A P T E R 7
NALUNOK ko ng mariin ang sariling laway ko ng huminto na ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Hindi ako natulog or nakaidlip man lang dahil baka anong mangyari or gawin sa akin ng isang ito. Mas mabuti na yung alert ka diba?
Nakita ko namang bumababa sa kotse si Devren kaya sinundan ko ito. Mabilis ang paglalakad nito na hindi ko kayang sabayan. Bahala nga siya diyan! Kung galit siya edi galit! Hmp!
Pero tumigil ito kaya nabangga ko ang likuran nito "A-aray!" hinimas himas ko ang ilong ko at itinaas ang tingin rito. "Kung galit ka, sabihin mo kung bakit ka nagagalit sa akin? Sabihin mo na kasi na ayaw mong maikasal sa isang katulad ko? Bakit? May problema ba?"
Nakatingin lang siya sa akin ng ilang minuto at umiling bago tumalikod sa akin. 'Aba! Hayup! Nagsalita ako tapos hindi ako kakausapin. Hustisya sa laway ko!'
Sinundan ko na lang siya papasok sa bahay, malaki at maganda ang bahay na tutuluyan namin. Masyadong malaki para sa aming dalawa. "Wow!" tanging sambit ko at umupo sa sofa.
"Have you eaten?" nabaling ang tingin ko kay Devren sa kusina. Abala ito sa pagtingin sa refrigerator. "H-hindi pa nga eh" nahihiyang usal ko at ibinalik ulit ang paningin ko sa buong paligid ng bahay. It's perfect tho.
"Okay, magluluto lang ako ng makakain natin. Pwede kang maglibot dito kung gusto mo" hindi talaga ako sanay na ganito ang panananalita ni Devren, naguguluhan din ako kanina galit ito sa akin ngayon akala mo walang nangyari kanina. Sinigawan pa nga ako nito sa kotse at nag-english pa!
"O-okay" tumayo ako sa pagkaka-upo sa sofa at dahan-dahang umakyat sa hagdanan, pero hindi pa ako nakakaunang apak tinitigan ko muna ang likod nito habang busy sa pagluluto, baka kapag tumulong ako ay bigla magswitch ang ugali nito.
Ilang minuto ko rin siya tinitigan at umakyat na sa itaas. Kaming dalawa lang rito ang titira sa malaking bahay na ito. Kasya ang benteng katao rito eh, tapos kaming dalawa lang. Nang makita ko na ng ikalawang palapag ay nakakamanghang pagmasdan ang balcony nito.
Mabilis akong lumapit rito at tinitigan ang napakagandang tanawin. All green.... Ipinikit ko ang mga mata ko at nilanghap ang simoy ng hangin. It's relaxing and refreshing..
Bigla kong naalala ang mga baliw kong kaibigan. Paano kaya kung malaman nila na ikakasal na ako? Ano ang magiging reaction nila? Masaya ba o magiging isa sila sa hadlang na pagmamahal ko kay Devren?
Iniling ko nalang ang ulo ko at umalis na sa balcony, inilibot ko ang paningin ko at nakita kong may 3 pintuan na nakasarado. Isa-isa ko silang binuksan at maayos lahat ang gamit. Ang isang kwarto ay para sa Guest Room, ang ikalawa ay ang MasterBedroom. at ang ikatlo ay para sa...
BABY ROOM?!
What the hell?! Lumaki ang mga mata ko ng makita ko ang kabuuan ng ikatlong kwarto. So many baby stuffs. All settled at paniguradong kulang na lang ay ang bata...
Matagal na nilang pinagplanuhan ito...
Nahilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko dahil hindi ako makapaniwalang hahantong sa ganito. Magpapakasal ba talaga kami ni Devren? Paano kung ayaw niya? Ano nalang ang gagawin ko?
But my fighting spirit has come to me and says "Make him fall for you" Napangiti ako dahil tama ang naisip ko, Sisiguraduhin kong mahuhulog at magkakagusto siya sa akin para pagdating ng kasal namin ay hindi na siya tatakas... Oh diba?! Hakhak.
Sinarado ko na ang pangatlong kwarto at nagpunta sa MasterBedroom. Malaki ang kwarto ito para sa isang tao lang. Nabaling ang tingin ko sa closet na punong-puno ng damit. Magkahiwalay ang babae at lalaking damit.
BINABASA MO ANG
Nasty Personality (Burning Touch Series 2) ✔
FanfictionDevren William Cencile owns a famous five-star hotel "Cencile Hotel Resort". At the young age of 14, he was trained to enter the business industry because of his Dad. However, there's a dark secret about him. He have this sickness which could lead h...