EPILOGUE

6.4K 138 6
                                    

E P I L O G U E

"AHHHHHH!!!"

"Malapit na honey, kaya mo yan!"

"Hmmmp!"

"Push pa Misis... Cmo'n nakikita ko na ang ulo niya... Push!" sabi ng Doktora. I was laboring at 2 hours until now. Medyo maselan ang pagpapalabas ko sa kanila.

"AHHHHH!" sumigaw na ako ng napakalakas at narinig ko ang iyak ng isang sanggol. Napahiga nalang ako hospital bed habang hawak-hawak kamay ng asawa ko.

"Tangina mo Devren! Hindi na ako magpapabuntis ulit sayo! Hayup
ka! Kalibugan mo kasi!" hinalikan lang ng asawa ko ang kamay ko.

"One more baby.... Push pa Misis! Makakaya mo yan.... Ibigay mo lahat ng lakas mo!....Push!"

"AAHHHHHHH!!!" doon ko inilabas lahat ng lakas ko at nawalan ako ng malay pero bago ako binalutan ng dilim narinig ko ang iyak nilang dalawa.

"IT'S twins. Same girls." masaya kong tinignan ang maliliit na sanggol na buhat-buhat ng mga nurse. Hinalikan ko muna ang asawa ko na nawalay ng malay dahil sa paglalabor nito.

She's definitely amazing wife. Dalawang oras na kami sa loob ng Labor Room, kinaya niya ang lahat para mailabas lang namin ang dalawa naming anghel.

....
NAIMULAT ko na ang mga mata ko at nakita ko na kaagad ang puting liwanag, inilibot ko ang paningin ko at nasa hospital nga ako.

"D-devren.." mahina kong bulong ng makita ko itong natutulog sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang kamay ko. Bigla naman itong napaigtad ng pinisil ko ang kamay niya.

"Oh. Are you feeling okay now? May masakit pa ba?" inilalayan ako nito umupo sa kama at binigyan ng tubig na kaagad ko ring ininom. "Salamat. Nasaan na ang baby natin?"

Hinaplos lang nito ang buhok ko at hinalikan sa noo. "On the way na.. Hahatid na lang dito ng mga nurse."

Tumango nalang ako at nabaling ang atensiyon ko sa pintuan ng biglang pumasok sila Mama't Papa at ang magulang ni Devren. Dala-dala ang isa pa naming anak.

"Mommy! Daddy!" lumapit ito sa amin at tumalon sa hospital bed. "Careful baby, masakit pa ang tiyan ni Mommy. Huwag masyado magulo"

Hinalikan ako ng isa pa naming munting anghel sa pisngi maging si Devren. "Nashaan na ang babies Mommy?" Kinurot ko ang pisngi nito dahil nabubulol na naman ito.

Meet my 4 years old little girl. Sherabella Marie J. Cencile. Siya ang panganay namin. Ang dahilan kung bakit mas lalong tumibay ang pagmamahalan namin ng asawa ko.

Lima't kalahating taon na kaming kasal ni Devren and still counting till forever...

"Malapit mo na sila makita baby" tumalon ito sa bisig ng kanyang Daddy at naglambing. Lumapit naman sa akin ang mga magulang namin.

"Congratulations hija, salamat sa dagdag pamilya ng Javillonar at Cencile.." -Mrs. Cencile

"You amaze us a lot princess. Nakayanan mo ang dalawang oras na pagpapalabas sa mga bata. So proud of you" hinalikan ako sa pisngi ni Papa.

"Papa, don't kiss my wife's cheek." tumawa nalang kami dahil sa sinabi ni Devren. Pati ba naman Papa ko pagseselosan niya?

"Goodafternoon.." nabaling ang atensyon namin sa pintuan ng may dalawang nurse ang pumasok at dala-dala ang baby ko...namin

"Here's your twin girls Mrs. and Mr. Cencile. Congratulations po" ibinigay na nila ang malilit kong babies. Ang isa ay nasa kay Devren at nasa akin ang isa.

Tumulo ng bahagya ang luha ko dahil sa labis na saya. I kissed her cute little nose, and she smiles back at me. That's so cute. Hinawakan ko ang daliri nito, at sobrang higpit ng hawak niya sa hinlalaki ko at ngumiti.

"Anong pong ipapangalan niyo sa kanila? Para po maisulat ko sa birth registration nila."

"Smiley"

"Maddy"

Nagkatinginan kami ni Devren at tiningnan ang isa ko pang baby na nasa kanya. Nakabusangot ang mukha nito at magkasalubong ang kilay.

Tiningnan ko naman ang buhat kong baby na nakangiti sa akin.. sa amin. Tamang-tama ang naisip naming pangalan sa kanila.

"Okay. That's cute names for the twins. May excuse us. Congratulations po ulit" tumango nalang kami at umalis na ang dalawang nurse.

"Mommy! cute ng small hands nila. Pwede ko bang hawakan?" sabi Sherabella na ngayon ay nakaupo sa pagitan ng mga binti ko. "Of course baby but be gentle okay, baka kasi umiyak siya and they have really a soft bones kaya dahan-dahan lang ang hawak ah"

"Opo, Mommy" lumapit siya rito at hinawakan ang isang kamay ni Smiley at ni Maddy. "Hi, my little twin sisters. Kapag lumaki na kayo laro tayo ng dolls ah. Love you"

Humalik ito sa noo ng dalawa niyang nakakabunsong kapatid. Hindi ko mapigilang maiyak sa eksenang ito.

Narinig ko ang mahinang paghagikgik ng dalawang maliliit na sanggol. Iniangat ko ang tingin ko kay Devren ng maramdaman kong humalik ito sa noo ko.

He mouthed 'thank you, i love you'

"I love you too honey. I always love you and i will love you forever and ever until we grow old"

Masaya kong tiningnan ang pamilya ko lalo na ang tatlo naming mga anak. This is my family. My one and happy Family.

Hindi ko pa masasabing live happily ever after dahil madami pa kaming pagdadaanan sa pamilya at sa future pero alam kong magtutulungan kami para sa problemang iyon.


THE END

Nasty Personality (Burning Touch Series 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon