C H A P T E R 5
NAPAKAMOT nalang ako sa ulo ng bigla-bigla nalang may tumatawag sa cellphone ko. Ang sarap na nga ng tulog ko eh, tapos distorbo talaga itong tumatawag.
Nakapikit ang mga mata ko habang kinakapa ang cellphone ko sa side desk. Tinatamad bumukas ang mata ko. Nang nakapa ko na ay wala gana ko itong sinagot.
"Ano ba?! Natutulog yung tao eh!"
"Oh,I'm sorry to disturb your sleep my hermosa daughter" napabalikwas ako sa higaan ng marinig ko ang boses ni Papa.
"P-papa?" hinilamos ko muna ang mukha ko at tinapik-tapik para magising ang diwa ko. "B-bakit po kayo napatawag Papa?" minsanan lang kasi itong tumawag sa akin lalo na kapag emergency talaga sa kompanya niya, kung kinakailangan niya ako. Minsan naman sa bahay kung may problema na naman.
"I just wanted to ask, if you are free tomorrow?"
"Yes, papa. Why? Kailangan na naman ba ako sa company?"
"No! No! This time magugustuhan mo ang sasabihin ko sayo pero kailangan pumunta ka muna sa bahay at may importante tayong pupuntahan"
"Yes papa. Uuwi po ako diyan bukas. Si Mama, nasaan po?" matagal-tagal ko na rin silang hindi nakakasama kaya miss na miss ko na sila. "Oh, she's sleeping. She must be tired in her work baby, that's why she's snoring so loud beside me" parehas kaming natawa ni Papa dahil narinig namin ang malakas na paghigok ni Mama.
"She's definitely my Mother" sambit ko. "Basta bukas uuwi ka rito, kailangan kita hija. Oh sige na, sorry sa pagdistorbo sa beauty sleep mo, i love you baby"
"Yes papa. I love you too" with matching kiss pa. Narinig ko naman ang tawa nito at ibinaba na ang tawag. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga pero nakatingin lang ako sa kisame.
Bakit kailangan ako ni Papa? May problema kaya? pero bakit kinakabahan ako para bukas? Bahala na nga! Matutulog na ulit ako...
....
Malaki ang hakbang ko ng makita ko sila Mama't Papa sa labas ng village. "Ma! Pa!" sumakay na lang ako ng taxi dahil ayokong gumamit ng kotse na ibinigay sa akin ni Papa kung kinakailangan ko. Mabilis akong tumakbo sa kanila at niyakap ko kagaad sila ng mahigpit."Awww, Jennylyn. I miss you so much" Hinalikan ako sa pisngi ni Mama na ikinabungisngis ko. Bumaling ang tingin ko kay Papa na hinahaplos ang buhok ko.
"You've grown up to a beautiful
lady my baby" I suddenly felt happy after my Papa said. 'beautiful lady yet acting like a baby'"May problema po ba Papa kaya tinawagan niyo ako kagabi?" hinawakan naman nila ang magkabilang kamay ko at tumingin sa akin na may malaking ngiti sa kanilang labi. What's going on?
"Kailangan na natin pumunta sa kanila at baka naghihintay na sila."
"A-anon--?"
"Let's go, we better to be hurry" kahit nagtataka ako sinundan ko na lang sila sa kotse at umupo sa backseat. "Mukhang masyado naman itong importante Papa"
"Yes baby. This is extremely important. " tumango na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Habang naririnig ko ang mga magulang ko na bumubungisngis. They look so happy, huh?
Ipinikit ko na lang ang mata ko at natulog muna kahit sandali lang.
Nagising na lang ako ng tinapik-tapik ako ni Mama sa balikat "Nandito na tayo anak. Let's go" naginat-inat muna ako bago ako lumabas ng kotse at inayos ang sarili ko at tiningnan ko ang paligid kung nasaan kami.
Ganoon na lamang ang paglaki ng mata ko ng makita ko ang mala-mansyong bahay sa harapan namin. Is this a Royal Palace?
Nagsimula ng pumasok sa loob sila Mama't Papa kaya sumunod nalang ako sa kanila pero hindi ko alam nakaramdam ako ng kaba. Tiningnan ko ang buong paligid at mapapanganga ka talaga dahil sa laki nito at malulula ka pa.
BINABASA MO ANG
Nasty Personality (Burning Touch Series 2) ✔
Fiksi PenggemarDevren William Cencile owns a famous five-star hotel "Cencile Hotel Resort". At the young age of 14, he was trained to enter the business industry because of his Dad. However, there's a dark secret about him. He have this sickness which could lead h...