CHAPTER 22

4K 93 1
                                    

----💕😭🙈👰🏻💍🤵---

C H A P T E R 22

THIS IS THE DAY! The day i will be Mrs. Cencile. The day i will marrying my love of my life, the man whom i loved the most.

Nasa labas na ako ng simbahan kasama ko ang Papa ko na sasabay sa paglalakad papuntang altar, siya ang maghahatid sa akin patungo sa lalaking mahal ko.

"Don't be nervous my princess, it's your special day kaya dapat masaya ka at hindi ka kinakabahan..." nabaling ang tingin ko kay Papa. "Eh papa, ang ikinakabahala ko ay baka madapa or matalisod ako habang naglalakad. Kasi ang taas ng heels ko, okay sana kung nagflat shoes nalang ako..."

Hinawakan niya ang kamay ko na nakasukbit sa braso niya "It's okay princess, Papa's here... Kapag nadapa or matalisod, wala akong pakialam, basta nandito lang ako at hindi kita hahayaang madapa sa harap ng maraming tao..."

Ang sweet naman ng Papa ko. "Always remember, you are the only one my little princess and my baby, kahit maging nanay ka na. Baby pa rin kita and always remember.. I love you so much.."

Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa sinabi ng Papa ko. "Papa naman eh! Pinapaiyak niyo ako! Masisira ang beauty ko.." tumawa lang si Papa at hinalikan ang noo ko kahit may suot-suot akong belo.

Inihanda ko na ang sarili ko ng magsimula ng tumunog sa loob ng simbahan. Magsisimula na...

Huminga ako ng malalim ng dahan-dahan ng bumukas ang malaking pintuan ng simbahan.

Kitang-kita ko ang napakaraming tao na nakatingin sa direksiyon ko. Mas lalo na akong kinabahan ng magsimula na kaming maglakad ni Papa sa red carpet.

"Just look at your man princess. Makakalimutan mong madaming tao ang nakatingin sayo.." Bulong sa akin ni Papa. I immediately obliged and look at the man who's infront of the aisle.

Looking at me like i'm the most beautiful girl in the universe. Then i saw his blurry eyes. He's crying..

Napaiyak na rin ako ng maalala ko ang lahat-lahat sa unang pagkikita namin....

Ang pang-iiskandalo ko sa hotel niya dahil lang sa room na pinareserve ko..

Nang malaman kong may sakit siyang mental disorder..

Ang unang gabi na may nangyari sa amin at nakuha niya ang virginity ko..

The arriange marriage and the proposal...

Pangalawang beses na nangyari sa amin...

The happy memories we shared in Laguna...

He's jealous at Sebastin and confessed to me that he loves me more than i love him..

The day we know i'm 5 weeks pregnant..

All of our moments flash through my mind as i walk nearly at the aisle... Wala na akong pakialam kung mabura ang make-up ko basta ang pokus ko ay nasa harapan, ang lalaking mahal na mahal ko.

"Take care of my daughter, hijo. I trust you." usal ni Papa. Tumango si Devren at inilahad ang kamay niya sa harapan ko, si Papa na mismo ang nagbigay sa kamay ko sa kamay ng lalaking mahal ko.

"I will Sir--"

"Nah-uh. It's Papa not Sir"

"I will make her happy as long as i can breathe in this world. Thank your for trusting me, makakaasa ho kayo na hinding-hindi ko sasaktan ang anak niyo"

Tinitigan ko ang mukha ni Devren at nagsimula na kaming maglakad patungong altar. "You look so beautiful in white honey..." ngumiti ako rito at inalalayan ako paharap sa pari.

The priest proceeded to his opening remarks, hinawakan ni Devren ang kamay na siyang ikinangiti ko ng palihim.

The whole process went by in a blur, until we reached the exchange of vows.

"So i call upon Devren William Cencile and Jennylyn Javillonar now to estate their promise before this group. Devren and Jennylyn give your pledges that will bind you together" sabi ng pari. Humarap kami sa isa't-isa at tumingin mata sa mata.

Sa akin iniabot ang mikropono kaya ako ang unang magsasalita. Oh my god! Kinakabahan ako!

Huminga muna ako ng malalim at tinitigan si Devren sa mata nito at hinawakan ang magkabila nitong kamay. "Devren, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa, kung saan ako magsisimula. Noong una nating pagkikita, na-attract na ako sayo ang gwapo mo kasi..." nagsitawanan ang tao sa paligid. "Iba rin kasi ang taglay ng kapogian, then days has passed hindi ka mawala sa isipan ko, aaminin ko na sa una nating pagkakita ay nagustuhan na kita..."

"Sa madaming araw na magkakasama tayo, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko, mas lalo akong nahulog sayo at lumalim ang pagtingin ko sayo. Minahal na kita. Mahal na mahal.." halos hindi na ako makahinga sa bawat katagang sinasabi ko.

"Labis ang sayang naramdaman ko na may nagbunga sa pag- mamahalan natin. Magiging isa na tayong magulang. Mas lalo pa
kitang minahal dahil doon. Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal Devren..." tumulo ang isang butil ng luha nito sa mga mata nito.

"In the name of God, I, Jennylyn Javillonar, take you Devren William Cencile to be my wedded and handsome husband, to have, to hold, to kiss, and to hug from this day forward, for better and for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until the sun no longer shines, until the stars lose their brightness, until the world stops spinning, until forever meet it's end. There are my vows to you, honey" inilagay ko ang singsing nito sa pagsingsingan niyang daliri. It suits perfectly.

Ibinigay ko ang microphone sa kanya at hinawakan nito ang magkabilang kamay ko..

"Jennylyn, honey, baby, my girl or what so ever called but the important things is i love you with all my heart. I love you as you love me more. I adore a woman like you because you're an angel that god sent to my life and became my precious thing who changed my life from darkness into a brighter future one..."

"Honey, sa una palang din ay nagustuhan na rin kita. Hindi kita maalis sa isipan ko at palagi akong nalilibugan--" the priest coughed at Devren said. Tumawa nalang ang mga tao pati rin ako. "Hindi mo ako masisi dahil iba rin ang taglay ng kagandahan mo, para kang isang inosenteng babae na isip bata.."

Ngumuso tuloy ako.. "But i don't care if you acting into a childish one, i don't care if you look like a kid but the most important is I love you. Hindi lang isang i love you ang kaya kong sabihin, siguro kung pwede lang magsalita ang puso ko, mabibingi ka at maiirita sa kakasabi niya ng mahal na mahal kita.."

Wala na! Panalo na ang isang ito. Grabe yung iyak ko dito. Wala na akong pakialam sa hitsura, ang mahalaga ay marinig at makasama ko ang lalaking kaharap ko ngayon.

"In the name of God, I, Devren William Cencile, take you Jennylyn Javillonar to be my wedded and gorgeous cutie wife, to have, to hold, to kiss, and to hug from this day forward, for better and for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until the sun no longer shines, until the stars lose their brightness, until the world stops spinning, until forever meet it's end. There are my vows to you, honey. I love you"

Inilagay na nito ang singsing sa daliri ko. Tumutulo ang mga luha ko habang tinitingnan ito.

Beautiful...

"Now, i pronounce you. Man and Wife. You may now kiss the bride."

Naghiyawan ang mga tao at dahan-dahan ng itinaas ni Devren ang belo ko. Pinunasan muna nito ang basa kong pisngi dahil sa mga luha ko bago inilapit ang mukha nito sa akin.

Naglapat na ang mga labi namin at kahit na malakas ang hiyawan at palakpakan ay parang nasa langit ako dahil sa halik ni Devren. It's full of love and love and love.

Naghiwalay na ang mga labi namin at tinitigan ang bawat isa.. Hinaplos nito ang pisngi ko at sinabing..

"I love you my wifey"

"I love you too my hubbie"

Nasty Personality (Burning Touch Series 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon