C H A P T E R 18
KINAKABAHAN man pero hinintay ko sila sumagot...
"Hello?"
"Francheska!"
Narinig ko ang mahabang katahimikan sa kabilang linya....
"ABA! PUNYETA KA! BUTI MAY GANA KA PANG NAGPARAMDAM SA AMIN!" alam kong boses iyon ni Gabriela ang sumigaw. Warfreak talaga ang babaeng ito.
Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko. Pinindot ko nalang ang loud speaker para kahit papaano ay marinig ko sila kahit malayo ang cellphone.
"E-eh, sorry na. Kasi ba naman sila Mama't Papa ang may plano talaga nito--"
"Alam namin Jennylyn, naikwento sa amin nila Tita ang tungkol sa pagpapakasal niyo ni Devren Cencile..." ani ni Nathalia
"Nag-alala talaga kami sayo ng hindi ka na namin mahanap sa bahay niyo tsaka ilang araw ka ng hindi nagpaparamdam sa amin.." nagtatampong boses ni Denise.
"Haist. For sure kaya hindi siya tumawag sa atin kasi busy sila ni Devren gumawa ng milagro. Jusko!" Sabat ni Noshka. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil tama naman siya.
"Hoy! Magsalita ka nga! Ikwento mo lahat-lahat sa amin!" sabay nilang sabi kaya no choice ako kundi ng magkwento. Okay lang naman dahil nasa trabaho si Devren ako lang mag-isa sa bahay.
Sinimulan ko na ang pagkwekwento sa kanila hanggang sa simula.
"Grabe ka Jen! Parang tinadhana talaga kayo isa't-isa. Akalain mo iyon yung lalaking kinababaliwan mo magiging asawa mo na. Sana lahat." -Heaven
"And take note, sinabi mo nga sa amin na parehas lang kayo ng nararamdaman.. Siguro naman wala ng atrasan sa wedding day ha?" tumawa si Nathalia na ikinanguso ko.
"Syempre noh!" sambit ko. Subukan lang hindi sumipot ni Devren sa kasal namin, mapuputol ang ulo ng alaga niya.
"So ano na, may bunga naba ang pagmamahalan niyo ni Devren?" tanong sa akin ni Noshka. "Uhm, hindi ko alam per--"
Biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya tumakbo ako ng banyo at doon nailabas lahat. Marami akong nalabas dahil na rin yata sa halo-halong pagkain ko kanina.
"Girl! What happened? Bakit natahimik ka?"
"Don't tell me.... You're pregnant!"
Hindi ko na narinig ang mga sinasabi nila ng biglang nangdilim ang paningin ko at bumagsak nalang sa sahig.
.....
"Honey, wake up. Honey, please open your eyes. Don't leave me too early. Honey, please wake up. Please"
Nagising ako ng dahil sa boses na naririnig ko. Si Devren... Pagkamulat palang ng mga mata ko ay nakita ko na ang pag-aalala sa mga mata nito. He's worried.
"Finally! Thank God!" hinalikan ako nito sa noo. Bumaling ang paningin ko sa buong paligid at nakita ko ang anim kong kaibigan na nasa gilid ng kama na nakatingin sa akin.
"Hey girl" ngumiti sila sa akin kaya sinubukan kong umupo sa kama na hindi ako pinigilan ng isa sa kanila. "Galit ba kayo sa akin?"
"Sinong nagsabi na galit kami sayo?"-Denise
"Hinding-hindi kami magagalit sayo Jennylyn. We understand your side and that's what friends are seven!"-Noshka
Natawa ako sa pinagsasabi ni Noshka, loka-loka din itong babaeng ito. Napatingin ako sa malaking tiyan ni Nathalia. "How months na?"
Hinimas naman niya ito at nagsalita... "7 months." lumaki ang mga mata ko, malapit na siyang manganak. "Basta ninang kami ng baby girl na iyan" usal ni Francheska.
BINABASA MO ANG
Nasty Personality (Burning Touch Series 2) ✔
Fiksi PenggemarDevren William Cencile owns a famous five-star hotel "Cencile Hotel Resort". At the young age of 14, he was trained to enter the business industry because of his Dad. However, there's a dark secret about him. He have this sickness which could lead h...