Everything has Change
Nakiusap ako kay kyle na dalhin ako kay Vincent.
At dahil mabait sa akin si kyle, dinala niya ako sa lugar kung nasaan si vincent, sa isang club house.
Nandun nga siya kasama sina landon, melody at kate.
Nag-iinuman.
Lumapit ako.
Lumapit ako kahit natatakot ako.
“Vincent, pwede ka bang makausap?”
Tumingin siya sa akin na transparent ang mukha.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin,
Hindi ko mabasa ang emotion niya.
Hindi ko alam kung galit ba siya.
Pero tumayo siya sa upuan niya at lumapit sa akin.
Inabot ko ang regalo ko
“happy birthday”
Tinanggap niya ang regalo ko at tinanggal ang wrapper.
“pasensya na kung ganyan ang balot, nabasa kasi ng ulan kaya nasira na.”
Hindi pa rin siya nagsasalita.
“nagustuhan mo ba?”
BOOOGZ!!!
“HA?”-ako
“vin….cent”…
Yung gitara hinampas niya sa sahig.
“hindi ko nagustuhan. Mukhang basura”
Tapos inapak apakan pa niya ang gitara hanggang sa madurog.
“pakilinis na lang ng dinala mong kalat” –vincent
Tapos umalis na siya
[Cover: hearthbreak by six part invention]
Iniwan ako ni Vincent.
Yung mga tao, nakatingin sa akin.
Nabigla sa nangyari.
Habang umiiyak ako,