SWEET TRAP
*Misty POV*
3:00 AM, Nagising ako. Hayayay!
Sabi pa naman ng mga classmate ko na kapag daw ganitong oras ka nagising, may nakatingin daw sayo!
I’m scared really!
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Pagkabukas ko ng ref biglang may narinig ako na tunog ng motorsiklo na umandar papaalis. Malapit sa amin nagsimula ang tunog, ibig sabihin! May tao kanina malapit sa amin!
Oh no! kinakabahan ako ng sobra! Baka magnanakaw yun ah! Ang hirap talaga ng sitwasyon namin dito ni Jinn! Wala man lang kaming kasamang lalaki na maaring magligtas sa amin sa oras ng karahasan!
Hay! Mai-suggest nga kay papa na magboboyfriend na ako at dito ko sa bahay ni jinn patutulugin para safe kami! Haha, Lol.
Pero teka lang, wonder pa rin ako kung bakit may tao na nagpaandar ng motor malapit sa amin! Makalabas kaya at matingnan ang labas, Malay mo, may nagnakaw ng orchids namin!
Lakas loob kong binuksan ang pinto.
Ang payapa pala sa labas kapag ganitong oras.
Napatingin ako sa kalangitan, medyo iilan ang mga bituin. Nag-enjoy akong panoorin sila hanggang sa biglang may nagtakip ng bibig ko at nawalan ako ng malay.
*Jinn POV*
Hay! Nakakaantok! Pero kailangan ko ng bumangon at maaga pa ang pasok ko ngayon.
Pagkalabas ko ng kwarto ko tinawag ko na si misty. Usually kasi siya ang maagang magising at nagpprepare ng aming almusal.
“misty, ganda! Anong niluto mo?” –sigaw ko habang may hiling pang hikab
Wala akong natanggap na sagot. So, I go to the dirty kitchen para puntahan siya pero wala pa pala ang bruha. Siguro tulog pa! hay, sa school na lang ako mag-aalmusal, need ko talagang pumasok ng maaga.
Matapos kong maligo at mag-ayos ng sarili, napansin kong hindi pa rin lumalabas ng kwarto ang aking pinsan, siguro mamaya pa ang pasok nun kaya tulog mantika. Bahala na nga siya.
“hoy, misty! Alis na ako, magluto ka na lang ng almusal mo, malelate na kasi ako ee! Ingat ka dito!” –sigaw ko sa pinto ng kwarto niya.
Pagkalabas ko ng bahay, bukas ang gate.
Huh? Bakit bukas to? Hindi kaya nakaalis na si Misty at maagang pumasok? Hay, mapuntahan nga siya sa kwarto niya.
Bumalik ako ng bahay at tiningnan ang kwarto ni misty, wala na siya! Umalis na nga siguro! Pero yung kama niya hindi man lang niya niligpit! Naku pinsan, sobrang busy ka ata ngayon! Pati pagsasara ng gate hindi mo pa napaglaanan ng kaunting Segundo! Paano kung pinasok ako! Hay hay! Lagot ka sa akin mamaya pag-uwi.
Lumabas na ako ng bahay at pumasok na sa school.
*Vincent POV*
Habang magkasama kami ni Jade sa garden ng school, biglang lumapit sa amin si Landon na hingal na hingal pa.
“you look so exhaust! Is there’s something wrong?” –tanong ni jade
“vincent, kinausap ako ni Jinn kanina tungkol kay misty” –malungkot na sabi ni landon
“anu yun?” –tanong ko
“si misty daw, hindi pumasok” –landon
“hindi lang pumasok kailangan malaman pa ni Vincent?” –jade