Misty Turns 18 (teardrops on my guitar)
*Misty POV*
Handa na ang mga Invitation ko para sa debut ko. Nabigyan ko na ang mga classmates ko kaso yung iba nagsabi nang hindi sila makakapunta kasi ang layo daw ng venue. Well, naiintindihan ko naman sila pero sina anna at nicole inilagay ko sa 18 gifts. Di ako papayag na wala sila noh.
Nasa may garden kaming tatlong ladies at naka-upo sa may pa-umbrellang tambayan.
“oMyG! Excited na ako sa debut mo girl!” –anna
“Oo nga. At sisiguraduhin kong ako ang may pinakabonggang gift sayo dun!” –nicole
“hindi naman mahalaga sa akin ang gift! Basta ang gusto ko nandun kayo :)” –pahumble kong sabi
“charotera ka! Edi sana wala ka ng 18 gifts na inilagay dito, sana ginawa mo na lang na 18 Attendance!” –nicole
“choz lang! syempre gusto ko rin ng gifts noh! haha” –sabi ko
“pero teka, bakit wala dito si vincent sa 18 roses?” –sabi ni anna
“Oo nga noh! Bakit nga? Ii-invite mo ba siya?” –nicole
“natatakot kasi ako kapag nilagay siya” –sabi ko
“bakit naman?” –anna
“baka kasi hindi siya magpunta” –ako
“kalokohan! Bakit naman? Hay naku. Kung ako si vincent at nalaman ko na wala ako, sobra akong magagalit.” –nicole
“anong dapat kong ikagalit?”
Bigla kaming napatingin sa amin likod at nakita namin si vincent.
O.O
Nanlaki ang mga mata ko at nabigla. Agad ko naman itinago sa likod ko ang invitation card.
“ano yan?” –tanong niya
“ha? Ah naku wala to. Isa lang tong syllabus ng subject namin” –sabi ko
“ah, confidential ba yan kaya tinatago mo?” –vincent
“ah, eh… anu kasi” –habang nagsasalita ako, bigla niyang kinuha yung hawak ni anna na invitation card
“ano to?” –sabi niya sabay basa
“Misty’s 18 Birthday. “ –bigla niyang in-open yung card
“wag!” –sigaw ko, napatingin naman siya pero patuloy niya itong tinignan at binasa.
“bakit wala ako?” –sabi niya matapos basahin ang mga nakalagay.
“yan nga din ang tanong namin sa kanya ei” –anna
Oh my Gosh misty! Mag-isip ka ng dahilan
“anu kasi e….. ahm……”
“si gian narito, e samantalang mas nauna ako sa kanya na makilala ka” –vincent
“vincent kasi……. Aahhm..”
“teka, may slot pa pala dito ee” –sabi niya
“nasaan?” –tanong nina nicole at anna na tiningnan ang hawak niyang card
“wala pa ditong Escort na nakalagay” –vincent
“Oo nga noh!” –nicole
“so meaning, nakareserve ang slot na yun kay vincent?” –anna
![](https://img.wattpad.com/cover/17861828-288-k419916.jpg)