CHAPTER 14
Getting To Know More about Wify
*Jade POV
Kaklase ko nga si vincent, magkasama kami sa iisang room pero hindi niya ako pinapansin.
hay, Loner ako, palaging mag-isa. Wala man lang nagbabalak na lumapit sa akin.
Tumingin ako kay vincent. Feeling ko hindi siya komportable. Hanggang sa napatingin siya sa akin at nahuli akong nakasilay sa kanya.
Ofcourse, paling agad ang paningin ko sa iba. Hanggang sa dumating na yung prof namin sa English at nagsimula na ng klase
Agad siyang nagsulat sa board ng salitang Regrets! then called my name and ask me to share something which i regret the most.
Wala ako maisip, halos 2 minutes na akong naka-pause at nag iisip.
"you may take your seat," -prof.
Umopo ako at tumawag na siya ng iba.
"Mr. Facelo, how about you? Can you share something?"
"Regrets? well, I don't have it, kung magsisisi man.."
"speak in english" -prof
"I will have regret only if I will let my girlfriend go"
Sa sagot ni Vincent, ramdam ko na mahal talaga niya yung girl. Paano na ako? wala na ba akong pag-asa? Ako naman yung nauna! Gusto kong makilala yung girl, Pero hindi ko siya aawayin, gusto ko lang malaman kung anong uri ng babae ba siya at ganun ganun na lang akong ipagpalit ni sleeping handsome.
After ng klase, medyo nasaktan ako, kasi paulit ulit pumapasok sa pandinig ko yung sagot kanina ni vincent! Siguro kung tatanungin ulit ako ng prof about sa regret, isasagot ko yung hindi ko sinipot si vincent nung araw na dapat ay magkikita kami.
Hanggang sa may lumapit sa akin at tinanong ako kung OK lang daw ba ako.
Umoo ako, tapos nakipagkaibigan sila sa akin, si clarisse villalobos, at arianne geronimo. At last, di na ako Loner. I have friends na.
Misty POV*
makalipas ang 1 week at 2 days.
wala akong dapat ikaselos kasi hindi ko pa nakikitang nagkakasama si vincent at ang ex-blind relationship niya.
Hmmm! absent ako sa Thursday, Fiesta ng Balayan, San Juan!. Di dapat ako mawala sa event na yun, parada ng Lechon, at basaan!! miss ko na rin yung mga friends ko nung high school,
Anyway. Nasa Canteen ako, with anna and nicole. Believe it or not Friends na kami.
Si kyle? well nakahanap na siya ng tropang boys kaya di na ako lagi ang kasama niya.
Heto na, may nasesence na ako. Naaamoy ko na si vincent. Tumingin ako sa bawat bahagi ng paligid at nakita ko na nga siya, naglalakad.
"vincent! dito" -tawag ko.
Narinig naman niya ako at nagpunta siya sa may table namin.
"ah, vincent, si anna at nicole nga pala mga friends ko"
"Hello :-)," -vincent habang nakikipagkamay.
"hi, im nicole, and Im single ready to mingle"
pinitik ko sa tenga si Nicole sabay sabing "boyfriend ko yan"
"ouch!" -nicole,
"maka-ouch ka ang hina hina naman ng pitik ko."
"hello. Im anna, Im sorry but Im taken na"