CHAPTER 40

460 25 2
                                    

The B.A.D. Ending Ever

 

 

*Misty POV*

Apat na taon na ang nakakalipas at ngayon ay alam ko na ang sagot. At ang katotohanan na yun ang nagbigay sa akin ng senyales para patuloy na umasa para ituloy ang pag-ibig ko kay vincent na minsan ko ng sinukuan.

Si jade na hadlang sa pag-ibig namin ni vincent noon. Sinung mag-aakala na siya pa ang magiging daan para masulusyunan namin ang lahat.

“Jade, wala ka na ba talagang gusto kay vincent?” –tanong ko

“Wala na, walang wala na. Dahil simula nung nakilala ko siya, pakiramdam ko nawala ako sa katinuan ko.” –jade

“Sorry nga pala Misty” –she added

“Para saan?” –ako

“Dahil simula noong nagkamabutihan kayo ni vincent, natakot ako kaya nakagawa ako ng masama. Ako ang nag-utos sa mga lalaki na saktan ka sa may rooftop. At noong nagghost hunting tayo, balak ko sanang sabuyan ang mukha ni gian ng asido, pero nawala ang asido kaya humanap na lang ako ng pamukpok. Pero sa sobrang dilim, hindi ko alam na ikaw pala ang napalo ko. ” –naiiyak si jade na halatang pinagsisisihan ang mga nagawa niya noon. Niyakap ko siya at pinagaan ang loob.

Biglang bumalik sa akin ang araw nung nasa may rooftop ako at sinasaktan ng mga kalalakihan. Sobra akong nasaktan nung oras na yun at napuno ng takot. Pero nang malaman ko na si Jade ang may pakana nun, hindi ko magawang magalit sa kanya.

“Nang dahil sa pagmamahal ko kay vincent nagagawa kong makasakit ng iba! Sobra kong pinagsisisihan ang mga kasamaang pinaggagawa ko” –she sobbed

“Jade, kung ano man ang nagawa mo noon, pinapatawad na kita. Dahil unang una, hindi ka magkakaganyan kung hindi ako pumasok sa buhay niyo ni vincent” –paliwanag ko

Habang nagkakalagayan kami ni Jade ng loob, biglang may dumating na mga lalaki at hinawakan si Jade.

“Bitawan niyo siya!” –sabi ko habang pinapalo ang lalaki na may hawak kay Jade.

“Misty tumakbo ka na! bilisan mo! alagad sila ng daddy ko at ng papa ni vincent!” –jade

“Pero Jade, hindi kita pwedeng iwan!” –ako

“Misty!” –sigaw niya para umalis na ako

“Hulihin niyo na rin yun!” –utos ng isang lalaki

Bigla na lang akong napatakbo at pinaghahabol na nila. Nakaramdam ako ng takot pero kahit anong tulin ang gawin ko, nagawa pa rin nila akong abutan.

“Bitawan niyo ako!” –palag ako ng palag hanggang sa sinikmuraan nila ako.

Nanghina ako sa sobrang sakit kaya wala ng nagawa ang katawan ko kundi sumama sa kanila.

*Vincent POV*

 

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa ginawa ni Jade. Buong akala ko pagkatapos ng araw na to tapos na ang pag-asa para sa amin ni misty. Ang pangarap ko na siya ang makasama ko bilang asawa. Pero mukhang ito na naman ang simula ng paglaban ko matapos ang apat na taon na aking pagsuko.

Tumakbo si Jade papalabas ng simbahan na sinundan ni Misty. Lahat nabigla sa naganap pero ang mga magulang namin, galit ang nadama. Nag-aapoy sila sa galit na nagbigay sa akin ng takot.

He's My Bad Saviour (On-going REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon