CHAPTER 27

229 27 0
                                    

No Trap

*Misty POV*

May kumakalat na video ng isang student dito. Napanuod ko na at I didn’t laugh at all. Naaawa ako sa guy lalo na nung pinagbabaril siya ng mga lalaki gamit ang water gun.

Hay! Hindi lang pala ako ang nabubully dito. Iisa lang kaya ang nasa likod ng pambubully sa akin at sa nambubully sa guy? Hayst! Bakit kaya may mga taong mapang-api, yung hindi iniisip ang damdamin ng iba.

“misty!” –tawag ni nicole

“bakit?” –sagot ko

“napanuod mo na ba ang trending ngayon sa AFETI?” –nicole

“oo, nakakaawa nga yung guy ee!” –ako

“naaalala mo ba siya?” –nicole

“sinu?” –ako

“yung guy!” –nicole

“huh? Hindi ko naman siya kilala bakit ko siya maaalala?” –ako

“ano ka ba! Siya yung guy na tinuro ko sayo nung debut ni anna” –nicole

*isip isip*

“siya yung nakaLong sleeves na dark green!” –dagdag pa niya

“ah! Yes, naaalala ko na! siya yung sinabi mo na wagas kung makatitig!” –sagot ko

“exactly!” –nicole

“Oo nga noh? Pero bakit naman kaya siya pinagttripan din?” –tanong ko

“look! Like what I had said before, he glared at you, tapos ngayon parehas kayong binubully. Hindi kaya may kaugnayan kayo?” –nicole

“hala! Hindi ko naman siya kilala” –ako

“naririnig mo na ba ang balita?” –nicole

“na?” –ako

“na si vincent ang nagpakalat ng video nung guy!” –nicole

“what do you mean?” –ako

“siya ang may pakana ng nangyari sa guy! At hindi lang yun ha, parehas pa ang ginawa sa inyo. Kung sayo Ice Bucket Challenge, sa kanya pa-water gun, kaya I conclude na si vincent talaga ang nanttrip sayo” –nicole

Napatulala naman ako sa paliwanag ni nicole, pero hindi pa rin ako naniniwala, alam ko na hindi magagawa ni vincent sa akin yun.

“kaya siguro ganun na lang kasama ang mga titig sayo ng guy kasi nadadamay siya! I am not against with vincent, pero best, nag-aalala kami sayo, hindi natin alam kung ano pa ang maaaring mangyari sayo.” –nicole

“pero si vincent ang tumulong sa akin kahapon” –paliwanag ko

“ginawa niya lang yun para isipin mo na hindi siya ang promotor ng lahat” –nicole

“nicole, (I tap her shoulder), hanggat hindi nakikita ng aking mga mata na si vincent nga ang gumagawa ng kapahamakan ko hindi ako maniniwala. Sige alis na ako” –sabi ko at naglakad na ako paalis.

Habang naglalakad ako, nahagip ng mata ko si vincent na tila nagtatago sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nararamdaman ko na sinusundan niya ako.

*Vincent POV*

Heto ako, palihim na sinusundan siya. She’s in danger. Hindi ako papayag na masaktan ulit siya. Kung tutuusin, wala siyang kinalaman sa problema namin ni gian, ang kinagagalit kasi niya ay ang pagiging magsyota namin ni jade. Iniipit niya ako sa sitwasyon, dinadamay niya si misty kasi alam niyang magagalit ako.

He's My Bad Saviour (On-going REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon