His Reason
*Misty POV*
Umuwi ako ng Batangas kasama si Gian. Hindi ko siya niyakag, bagkus ay nagkusa siya na samahan ako.
Nagsabi ako sa aking mga magulang na lilipat na ako ng University. Tinanong nila ako kung bakit ngunit hindi ko naman masabi ang totoong dahilan sa kanila lalo na kay papa dahil baka sumugod siya kay Vincent at kung ano pang gawin. Sinabi ko na lang na nahihirapan na ako sa AFETI at sinabi ko na rin na hindi maganda ang quality ng school. Pero dahilan ko lang yun, dahil sa totoo lang, Ang AFETI ang nagsilbing Happy Land na aking napuntahan.
Pumayag naman sila at sinuportahan na lang ako sa school na pipiliin ko na pasukan.
Naisipan ko na sa Batangas na lang pumasok at sa BSU Main ko napili na magpatuloy ng pag-aaral.
Tinulungan ako ni Gian na mag-ayos ng requirements ko. Lagi niya akong tinutulungan sa mga dapat kong gawin. Pinagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa AFETI at sabi niya sa akin,
“Text mo lang ako kapag may nang-aaway sayo dito! Promise darating ako at uupakan ko sila”
“wala na naman sigurong manggugulo sa akin dito” –sagot ko
“basta, mag-iingat ka sa AFETI ha” –i added
“ikaw din, mag-iingat ka dito” –tugon niya na may pagtitig pa sa akin.
“Every weekend, o kahit anong free time ko, dadalawin kita dito” –sabi pa niya
“Sige ba, basta ba wag mong pababayaan ang pag-aaral mo ee :)” –consequence ko
“Sure” –gian
Bumalik na si Gian sa Manila matapos niya akong samahan ng pag-eenroll sa BSU. Nagstart na rin akong pumasok dito. New environment na naman! New People.
Lakad ako ng lakad habang pinagmamasdan ang ganda ng Campus hanggang sa may nabangga akong lalaki na naka-school uniform.
“Ay, sorry po” –paghingi ko ng pasensya dahil natapakan ko rin ang napakakintab niyang sapatos.
Pinagpagan niya ang kanyang sapatos at sinabing ayos lang. At nung natapos na siya, tumingin siya sa akin at nagtanong
“Bago ka dito?”
“Oo e, kaya hindi ko pa alam ang mga area dito.” –ako
“Ganun ba, by the way I’m Timmy” –he offers his hand
“Misty” –nakipagkamay ako
“Nice to see you” – Timmy
“Thank you” –ako
“Gusto mo ba, ilibot kita dito at ituro sayo ang bawat lugar” – Timmy
“Pero baka maabala ka pa?” –ako
“Naku hindi, mamaya pa ang oras ng klase ko. Lagi lang talaga ako maagang pumasok kasi wala naman akong magawa sa bahay. Anu? Gusto mo ba?” – Timmy
“Sige :)” –ako
Inilibot ako ni Timmy sa napakaling Campus at nung natapos kami, nagpasama ako sa kanya sa Canteen at inilibre siya ng makakain bilang pasasalamat ko.
“Sus, nag-abala ka pa” –sabi niya habang binibigay ko sa kanya ang pagkain na binili ko para sa amin dalawa