“ I don’t want you to promise me the stars.. Promise me to watch them together”
Vincent POV
Nagtatampo si wify! Kahapon lang ako tong nag-eemote tapos ngayon siya naman. Bakit nga ba hindi ko naisip yun!
Sayang adobo pa naman daw ang niluto niya para sa akin. Ayos pa kaya yun?
Umuwi na ako ng bahay at agad tiningnan ang bug-ungan na binigay sa akin ni misty, pagbukas ko ng taklob! Asngaw ang amoy. Ang asim!!!!!!!!
Iinit ko na lang kaya? Sayang ee.
Ininit ko ang adobo at unti unti ay bumabango ang amoy nito,
Nung naayos na, agad akong kumain, Oo nga! Masarap nga. Pano pa kaya kung kahapon ko pa to kinain. Siguro ang sarap lalo.
*
Misty POV
Badtrip! Sayang yung effort ko! Hay naku… hindi na yun mauulit. Kainis talaga,
Ay oo nga pala, may quiz kami bukas sa humanities, makapag-aral na lang.
Pero mahaba pa ang oras, mamaya na nga.
Ang hirap naman ng course ko, sana naman makatapos ako bilang Engineer, magcocollapse na ang mga brain cells ko ee, Kasi naman ang dami daming kacharutan na naiimbento ng mga mathematician na ito!
Hay, naalala ko na naman si Vincent.
Hate him talaga! Niloko pa niya ako na nabitin daw siya yun pala ni hindi man lang niya naamaoy ang adobo ko.
Hmm.. bahala siya, hindi ko talaga siya papansinin bukas.
*
Vincent POV
After kong kainin ang adobo ni misty, kinuha ko na ang mga notes ko. Wala kasi akong duty ngayon kaya mag-aaral na lang ako.
Saan nga ba kami magtetest tom? Parang wala, pero makapag advance study na nga lang.
Habang nag-aaral ako at nagbabasa basa, medyo hindi maganda ang nangyayari sa loob ng digestive system ko.
Hindi ko na kaya, magwwithdraw muna ako ng kinain.
Matapos kong mag number 2, bumalik na ako sa pag-aaral, pero wala pang 5 minuto ang nakakalipas, nagrereklamo na naman ang tyan ko. Hanggang sa nagpaulit ulit na.
*
Misty POV
Another day.
Nasa school na ako.
Yung mga classmate ko, dun pa lang nag-aaral para sa quiz sa humanities mamaya, pero ako, pa-easy easy na,
“ui, kamusta ka na? ayos na ba kayo ni Vincent?” –kyle
“himdi pa :/”
“ano? Pero sinabi ko na sa kanya ang dahilan ng pag-iyak mo”
“naku hindi yun! Ok na kami dun”