IT’S OFFICIAL
“Misty Suarez, can I be your Night and Shining Armour?”
Tapos in-open niya yung maliit na box at may laman na….
EARINGS!!!
Yung hikaw na pabilog, pero maliit lang. Bakit kaya earings? Naku mamaya na, iFeel ko muna ang eksena na kung saan nanliligaw na siya :)
“Vincent kasi..” Ano bang sasabihin ko? Kung Ooo agad ako, Ang bilis naman! Baka mabilis lang din magtapos ang pag-iibigan namin pag ganun.
“Please! Whatever your decision is, I will accept it, Just tell me” -vincent
“vincent, bakit night and shining armour? “
Then, he stands up and gives me a tight hug.
“Cause I want to protect you”
“bakit?”
“I love you”
0.0 !!! Cheessssssssssssy
“That’s the only thing that I can promise, I will protect you even you are in a dangerous situation. I won’t hesitate to save you. Kahit na masaktan ako, kahit na ikapahamak ko, Seryoso na ako, sinasabi ko to hindi dahil sa naiisip ko. Sinasabi ko to dahil nararamdaman ko”
Naiiyak ako sa mga sinasabi ni Vincent. Naiiyak ako dahil first time kong makaranas ng ganitong eksena na kung saan para akong isang Prinsesa at mayroong Prinsipe na dumating upang ako ay mahalin.
Si Vincent Facelo, siya yung taong papangarapin ng mga kababaihan, Pero ngayon, tinanggal ko na ang pangarap ng iba at ngayon, bilang isang babae, Tutuparin ko na ang aking pangarap.
Ngayon, si Vincent ay nakayakap sa akin
“Vincent,
Yes..
You can be my Night and Shining Armour”
Bigla siyang bumitaw at ipinakita sa akin na siya’y tuwang tuwa. Tinanggal niya ang isa kong hikaw at ikinabit ang isa na nasa maliit na box
“bakit hikaw?” –tanong ko sa kanya
tapos yung isa pang kapares ng hikaw, ikinabit niya sa kanyang tenga
“may butas ang tenga mo?”
“kabubutas ko lang,”
Tapos nung naikabit na niya,
“ayan, Yan ang palatandaan na si Misty Suarez ay Girlfriend na ni Vincent Facelo” -niKiss niya ako sa aking forehead
“Yan ang couple earings. Sabi nila, kapag daw suot ng magLovers ang hikaw na yan, kahit anong problema ang kaharapin, sa bandang huli gagawa at gagawa ang hikaw na yan ng paraan para magtagumpay ang dalawang pusong nagmamahalan”
“saan mo nabili to? Ang ganda naman”
“sa korea, nag-iisa lang ang pares na hikaw nayan at yan ang pinaka mahal na hikaw sa buong mundo”
“hala, bakit mo pa binili?”
“bakit hindi?”
“sabi mo pinakamahal to”
“oo, yan ang pinaka mahal na hikaw para sa pinakamamahal kong babae!”
BOOM!!!!
Grabe, nakakakilig yung pick up line na yun.
***
Matapos ang mala fairytale na moment na yun, Hinatid na ako ni Vincent sa bahay.