VINCENT's COME BACK
*Vincent POV*
Alam ko na hindi kami ayos ni misty nung araw na nangyari yung gabing napahamak kaming dalawa. Pero naaalala ko nung mga oras na nasasaksak ako at nakahiga sa may tabi niya. I saw her crying. I want to wipe out her tears and hug her to relieve her fear.
I Love You
That’s the only words that came out to my mouth.
Akala ko mamamatay na ako ng mga sandaling yun, akala ko maiiwan ko siya. Pero pinilit kong lumaban nung sandaling yun.
Pinikit ko ang mga mata ko at taimtim na nagdasal.
“Lord, Please, gusto ko pang mabuhay.. Gusto ko pang mabuhay kasama si Misty.
Wish granted.
Im alive. Maayos na ang kalagayan ko. Pero sa loob ng mahigit isang linggo ko sa Hospital, ni hindi man lang ako dinalaw ni misty.
Si Landon at Jade lang ang bumibisita sa akin.
One time nung nasa hospital pa ako, I asked Landon at kinamusta ko si misty.
He mentioned that he went to her house and jinn told him that my wify was in blue. Malungkot dahil broken hearted daw.
Bakit naman siya mabbroken hearted ee hindi naman ako nakipagbreak sa kanya.
Siguro nagkamali lang si landon, siguro broken hearted siya kasi nga malungkot siya dahil napahamak ako. Kaya broken hearted siya! Ang gulo pero yun lang ang naiisip ko na dahilan.
Pero bakit nga kaya hindi man lang siya dumalaw? Hmmm.
Nasa bahay na ako, hindi sa boarding house kundi sa totoo kong bahay with my mother.
I miss my home! I miss my room! I miss everything here!
5 days pa bago ulit ako makabalik sa school. Ano na kayang balita dun?
*Misty POV*
Pumasok ako sa school ng may headset sa taenga. Ayoko kasi ng tahimik. Ayoko ng walang naririnig.
Ito lang ang paraan para kahit papaano hindi ko maisip si Vincent.
Habang naglalakad ako at seryosong nakikinig ng music, biglang tumunog ang 12:51 by krissy and Ericka
Narinig ko pa lang ang intro ng kanta, naramdaman ko na naman ang puso ko na nagiging emotional.
Bakit ganun? Pinamumukha talaga sa akin ng tadhana na hindi ko kaya. Gustong gusto niya akong makitang umiiyak.
Pero sorry, malakas na si misty, hindi mo na ako mapapaiyak pa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tumutunog ang kantang tungkol sa isang tao na hindi makapagmove on.
Before I go to my room, I went first to my Locker to get my books. But I notice jade standing to the place where my locker is located.
“jade, anong ginagawa mo dito?” –tanong ko
“hinihintay kita” –jade
“bakit?”
“gusto ko mag-usap tayo mamaya, after class.”
“pero jade, an…..” –ako
“see you at the rooftop” –sabi niya sabay alis
Ano kayang pag-uusapan namin? At bakit medyo serious ang mukha niya? Curious tuloy ako,
![](https://img.wattpad.com/cover/17861828-288-k419916.jpg)