Warm Fuzzies
*Vincent POV*
“Charaaaaan!”
Tiningnan ko ang design na ginawa niya at napaisip ako kasi iba iba.
“bakit ganito?” –ngiti lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya.
Wonder pa rin ako at pilit inuunawa ang mga designs hanggang sa napansin ko sa hinlalaki ko, isang wishing well ang nakadesign.
Ito pa lahat ang mga design na ginawa niya.
Pagtingin ko sa sunod na kuko, hikaw naman ang design.
Teka! Parang medyo nakukuha ko na ang meaning nito.
sapatos
gitara
letters ng “MRT”
flower
honey
Baboy
apple,
bigla naman akong napahinto at nagtaka kasi yung kuko sa isang hinliliit walang design.
“bakit walang art to?” –I ask
Wala na naman akong nakuhang sagot.
“Wishing well, ito yung favorite place natin. Tapos itong gitara, ito yung regalo natin sa isa’t isa. Ito namang MRT, teka anong meron dito?” –tanong ko at sa puntong ito, hindi na ako papayag na hindi siya sumagot.
“Nung natumba ako sa MRT, tinulungan mo akong tumayo” –sagot niya habang nakangiti na inaalala ang nakaraan.
“Haha, Oo nga pala. Yung araw na yun tayo nagkakilala di ba?” –ako
“Oo, nagkakilala tayo kasi akala mo ako si Jade :)” –misty
“Naalala ko noon, ang tagal kong naghintay, tapos nung nakita kita suot suot ang kulay at mga description na sinabi ni Jade, ang saya ko kasi sa wakas, nakita ko na ang ka-Blind Relationship ko.” –ako
“Pero pinaglaruan mo ako kasi nagkamali ka ng akala” –misty
“At ang pagkakamaling yun ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.” –I sit beside her and patted her hand.
“This short sentence will forever be in my mind, I Love You” –she closes her eyes and I did the same and I gradually feel the wind pulling my lips to misty’s lips until the moment we KISS.
1
2
3
4
5
6
7
7.5 seconds bago nagkalayo ang aming labi.
Medyo nailang ata siya sa nangyari dahil hindi na siya makatingin sa akin. So, I made the way to bring back the atmosphere.
Tumingin ulit ako sa mga kuko at kinuwento ang isa sa mga design.
“Naaalala ko pa yung hikaw, yung binigay ko sayo when I proposed as your saviour.” –sabi ko
“Naalala ko yung sinabi mo tungkol sa history ng hikaw na yun. Sabi mo, hanggat suot ng dalawang nagmamahalan ang hikaw na yun, walang tadhana ang makakapagpahiwalay sa kanila. Pero nung nawala mo yung hikaw mo, sinubok nga tayo ng tadhana at nagpatalo ako kaya iniwan kita” –misty