NO MORE US
*Misty POV*
TULALA.... Yan ang madalas mangyari sa mga tulad kong nalulungkot kaiisip ng mga ala ala.
Linggo na, bukas monday na. Time for the prelim examination. I haven't scan my notes. Wala pa akong naaaral at wala ako sa kundisyong mag-aral dahil sa sitwasyon ko ngayon.
Ano ba ang formula ng Move on?
How can I solve the solution?
Is he already my X?
Ang gulo. Ang ingay ng puso ko.. Ayaw magprocess ng utak ko..
"hoi babae! kumain ka nga! magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo ee!" -jinn
"wala akong gana :-(" -ako
"ah ganun ba?" -jinn sabay kuha ng phone niya at nagDial ng number.
Bakit kaya? Sinu kaya ang tatawagan niya?
.
LOADING..........
.
Still thinking kung sinu ang tinatawagan niya
.
"hello po," -jinn
"hello din, bakit ka napatawag?"
HaH!! Boses ni mama!
"jinn!!" -mahina kong tawag sa kanya!
"kasi po si misty!!" -jinn
"jinn ano ba!! kakain na ako!" -mahina ko ulit na sabi
"bakit?" -mama
"jinn....." -ako
"kasi po...." -jinn
Nakiusap ako kay jinn na wag akong isumbong sa mama! halos lumuhod na ako sa harap niya para magmakaawa.
"kasi po..... pinapatanong po niya kung kumain na po daw kayo" -jinn
hoooeee! buti naman at nadaan ko ang babaeng ito sa pakiusap.
Sapilitan akong naglagay ng pagkain sa aking plato.. Nilagyan ko ng konting konting kanin at isang hatdog.
"Hoi babae! di ba rules ko sa bahay na ito bawal mag-aksaya ng foods! Kaya heto!" -si jinn dinadagdagan niya ang kanin ko.
"ang dami naman!" -ako
"Mababahaw na naman ang kanin! Ilang beses na tayong nagsasayang. Ang arte arte mo naman! hindi ka nakain ng bahaw. Ang unti unti kasi ng kinakain mo! Sige na kainin mo na yan" -jinn
>_<
Nakakainis na si jinn.. Nambblack mail siya! pag daw hindi ko inubos yung foods isusumbong daw niya ako na brokenhearted at pinababayaan na ang sarili.
I appreciate the concern of jinn. Kapakanan ko lang naman kasi ang iniisip niya. Pero napakahikpit naman niya sa akin -_-
After namin kumain. Tumayo na ako sa mesa at balak ko ng pumunta sa kwarto ko.
Pero pagtayo ko pa lang..
"hephep!" -jinn
"bakit na naman?" -ako
"wag mong sabihing ako pa ang magliligpit ng kinainan natin?" -jinn
"jinn naman ee..." -ako
"ako na ang nagluto.. at tsaka wala ka pang nagagawa simula pa kanina." -jinn
"jinn? wala ako sa mood kumilos ngayon" -ako
"ah ganun ba? sige sabihin kita sa mama mo, sabihin ko ang inaasta mo dito sa manila" -jinn
