CHAPTER 15

351 35 2
                                    

Misty and Jade

*Misty POV

Matapos ang masayang pagbisita sa aking Bayang sinilangan, heto kami ngayon, back to school.

Pagpasok namin, Bangka si Kyle sa kwentuhan, kinukwento niya kina anna, nicole at iba pa naming classmates ang tungkol sa Fiesta namin.

"grabe! sayang talaga hindi kami nakasama" -sagot ni anna na may halong panghihinayang

"sumama na kasi kayo sa susunod" -kyle

"sige sasama na talaga kami" -anna

"Oo nga pala, ano ang ginawa niyo nung wala kami?" -tanong ko kina anna

"hoy, tinext kita misty, sabi ko may test tayo sa Math! Di ba pinag aaral kita!" -nicole

"ha? naku oo nga pala! Nakalimutan ko, nasa locker kasi ang ang books ko kaya di ako nakapag aral." -ako

"oh noh! seryoso ka! alam mo namang sayo lang kami asa!" -anna

"Oo nga naman misty, napaka iresponsable mo namang kaibigan :-(" -nicole

"wow ha! hiyang hiya naman ako sa inyo! haha" -ako

"paano na? ayokong bumagsak!" -anna

"edi magpunta ka sa clinic, kunwari masama ang lasa mo" -suggest ko

"Oo nga no!" -sagot ni anna

"hephep! hindi ako papayag! dapat sama sama tayong babagsak sa test mamaya" -nicole

"gara mo naman! sige mag-isip tayo ng plano para hindi matuloy ang test." -anna

Tahimik kaming nag-iisip, meron na lang kaming 16 minutes na natitira bago magsimula ang Math.

"Alam ko na!" -sigaw ni kyle

Lahat kami napatingin sa kanya at tinanong kung ano ang naiisip niya.

"anna magaling ka bang umacting?" -kyle

"hindi, but for you i will try" -anna

"talaga?"

"sure"

Tapos nagPromise Close my heart sila.

"ano bang naiisip mo kyle?" -ako

"kunwari sinasaniban si Anna, para magkagulo at maconsume ang time ng math!" -kyle

"wow, excellent idea!" -nicole

"ayoko nga!! kinakabahan ako." -anna

"ay, sige na please" -pagmamay awa ni kyle kasi hindi rin siya nakapag aral.

Hanggang sa may lumapit sa amin, sina kharen Quiñones, Rj Pascual, Jocyl Ricalde at Edellyn Hernandez, mga classmates din namin.

"Hindi naman sa nakikinig kami sa usapan niyo, pero maaaring magandang ideya nga yung naiisip niyo." -kharen

"ayoko nga! mamaya mo ikapahamak ko pa yan." -anna

"hindi yan friend! promise, susuportahan ka namin" -jocyl

"sorry, ayoko talaga" -sagot ni anna

Hanggang sa nag-announce si RJ tungkol sa binabalak na plano na sapian si Anna para hindi matuloy ang test.

"guys! pilitin niyo si anna na kunwari sinasaniban para hindi matuloy ang test"

Nagkaisa ang section namin at pinilit si Anna. Halatang halatang wala masyadong nag aral sa amin. Oh sabihin na nating nag aral kaso hirap talaga kasi Calculus yun.

He's My Bad Saviour (On-going REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon