Changing Happy Memories into Sad Moments
*Misty POV*
Kinabukasan, pagpasok ko ng school, wala ni anumang bakas ni Vincent ang aking naramdaman.
Nabalitaan ko rin na hindi siya pumasok.
“hey!”
Tumingin ako sa tumawag ng attention ko, si Jade.
“nabalitaan ko ang ginawa mong pakikipaghiwalay sa kanya” –jade
“pumasok ba siya ngayon?” –tanong ko
“di ba break na kayo? Bakit mo pa siya hinahanap?” –jade with sarcastic tone
“galit ka ba sa akin?” –tanong ko
“may dahilan ba para magalit ako sayo?” –jade
“hindi ko alam” –ako
“pwes meron!” –jade
“anong ibig mong sabihin?” –ako
“bakit ka nagpanggap bilang ako?! Way mo ba yun para mapasayo si Vincent!” –jade
“paano mo nalaman?” –ako
“may nakapagsabi lang sa akin. Talagang wala kang balak aminin yun sa akin noh! Pretender!” –jade
“si Vincent ang nag-utos sa akin na magpanggap bilang ikaw!” –paliwanag ko
“alam mo misty, before, I want to be your friend, pero patagal ng patagal ang dami kong lihim na natutuklasan!” –jade
“kung ano man ang mga nalaman mo, itanong mo na lang kay Vincent ang lahat, at malalaman mo na hindi ako katulad ng iniisip mo!” –ako
“pwede ko bang itanong sa kanya kung bakit hinalikan mo si kyle?” –jade
Napahinto ako sa sinabi niya. Nagagalit sa aking narinig.
“oh? Bakit hindi ka makasagot! Napag-isip isip mo ba ang kalandian mo?” –jade
“hoy jade! Kung malandi ako malandi ka rin! Nung umaga na nasa labas si Vincent ng gate, nakita ko kayo, magkayakap!” –ako
“alam mo kung bakit? Kasi kailangan niya ng karamay nung oras na yun, nung araw na iniwan mo siya! Reminder lang. Nung hindi ko sinipot si Vincent nung araw na dapat magkikita kami, ikaw ang dumating at naging kayo, at inirespeto ko ang relasyon niyo at hindi ako nanggulo. Pero ngayong iniwan mo siya, gagawin ko ang lahat mapalapit lang ulit sa kanya, at sana! Kapag naging kame, irespeto mo rin ang relasyon namin cause you are no longer the girlfriend of him, and it’s time for Short hair Rapunzel to wake up her Sleeping Handsome!” –jade while grinning
Umalis na siya at iniwan ako,. Nagbago na si Jade, lumabas na ang totoong ugali niya,
She’s mad at me dahil sa pagpapanggap bilang siya! Pero sinu kaya ang nagsabi sa kanya ng tungkol dun? Si incent kaya? Pero siya ang nagsabi sa akin na wag ko daw aaminin kay jade ang tungkol nga doon.
[kring kring]
May tumatawag sa akin. Si Vincent.
“hello” –sagot ko
“pumunta ka ng wishing well” –vincent via phone
“bakit?” –tanong ko pero pinatay na niya pala ang linya.
Tamang tama, tapos na ang klase
I go to the wishing well as fast as I could,
Pero wala siya. Wala ding tao sa paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/17861828-288-k419916.jpg)