UNDER PRESSURE
*Vincent POV*
Naaawa ako kay Misty. Hindi siya dapat ang napapagbuntungan ng galit ng hayop na gian na yan! Wala siyang kalaban laban.
Pero nandito lang ako, hindi ko hahayaang pagtripan siya, kahit hindi ko na siya mahal, concern pa rin ako sa kanya at hindi ako papayag na makita siyang umiiyak dahil ni gian.
Subukan mo lang ulit siyang saktan, makikita mo ang hinahanap mo! Gago ka!
“S.H., gutom ka na ba?” –jade
“wala akong ganang kumain” –ako
“ganun ba.” -jade
“bakit, gutom ka na ba?” –tanong ko
“Oo, pero titiisin ko na lang to” –jade
“bakit naman? Halika ka samahan kita.” –ako
“hindi ka rin naman kakain kaya wag na lang.” –jade
“ikaw talaga, sige na, kakain na ako basta kumain ka na din, baka mamaya mo mamayat ka pa at sakitin” –sabi ko habang pini-pinch ko ang ilong niya
“ano bang gusto mo? Mataba ako o mapayat?” –jade
“ahhmm. Kahit ano basta maganda kang tingnan. Haha!” –ako
“hirap naman ng gusto mo!” –jade
“asus, padown to earth ka pa, e ikaw na nga ata ang pinaka maganda dito sa AFETI! :)” –sabi ko sabay akbay sa kanya
“sira! Gutom lang yan, tara kain na tayo. Haha” –jade
Nagpunta kami ni jade sa canteen habang magkahawak ang kamay. Doon nadatnan namin si misty na nag-iisa.
Napatingin sa akin si jade at sinabing “lalapitan mo ba siya?” –jade
“hindi, tara doon na tayo umupo” –sabi ko sabay turo sa vacant na table
*Misty POV*
Nagbabasa ako ng book ng Fault in our Stars habang nakaupo ako mag-isa sa may table sa may canteen. Medyo naiiyak ako kasi malapit na ako sa bandang dulo ng libro. Hanggang sa may lumapit sa akin si Landon at tinanong kung Ok lang daw ba ako
“Oo naman” –sagot ko sabay close ng libro
“bakit ka naiiyak?” –landon
“gawa kasi ng binabasa ko” –ako
“yung binabasa ba o yung nakikita?” –landon
“ha? Anong nakikitang pinagsasabi mo dyan?” –nagtataka kong tanong. Tapos tinuro niya ng labi niya ang table sa aking kanan at nakita ko sa vincent at jade na sweet na kumakain.
“tikman mo to S.H.,” –sabi ni jade na gustong subuan si vincent ng food niya. Napatingin naman sa akin si vincent bago niya subuin ang hawak ni jade, kaya naman inalis ko na ang tingin ko sa kanila.
“ayan! Nahuli ka niyang nakatingin sa kanya habang may luha yang mata mo” –landon
“ha,” –sabi ko sabay punas ng mga luha.
“siguro iniisip niya na kaya ka naiyak ay dahil nasaktan ka dahil nakita mo silang magkasama” –landon
“hindi no! sa story kaya ng libro ako naiiyak” –paliwanag ko
“e kaso baka iba ang iniisip niya ng dahilan ng mga luha mo.” –landon
“hala! Bahala na siya, bueno, bakit hindi kayo magkasama ni jinn?” –tanong ko