Jimm Cadrian's POVShe chatted me.
What a big surprise..
Pinindot ko ang conversation namin at sineen lang ito..simula kasi noong lumipat kami ng bahay di ko na siya pinansin. As in hinding hindi na.
Basta long story..
"Bumaba ka na kayo sa kwarto niyo! Kakain na!" Ang sigaw ni Mama galing sa 1st floor este baba..
"Opo!!" Sabay na sabi namin ni Chris..
Tumayo na ako at iniwan ko na muna yung cellphone ko sa desk..
"Paaunahan!!" Sabi ni Chris at agad naman kaming tumakbo ng mabilis papunta sa dining area..
"Nauna ako! Blehh!" Sabi naman ni Chris..Hays yan nanaman siya.
"Pinagbigyan lang kita noh!" Sabi ko naman..Lagi naman -,-
"Aysh! Tama na yan, Umupo na kayo dali! O lalamig yang niluto ko na sinigang." Ang sermon naman ni Mama..Umupo na kami ni Chris at nagsimula na kaming mag dasal..
"Ok! Kainan na!" Sabi ni Chris. Lagi naman siyang excited kumain eh, anong pinagbago? At minsan nga parang tinatamad pa siya magdasal dahil kala mo hindi pinakain ng isang taon..Ewan ko nga ba..Parang ako lang ata yung nabigyan ng genes ni Mama na makadiyos..
Nagsimula na kaming kumain..As usual masarap ang niluto ni Mama na sinigang..Mas sumasarap pa ito dahil ang lamig ng panahon!
Biglang tumunog ang cellphone ni Kuya Gab mula sa lamesa sa sala..May nagmessage ata sa messenger niya..
Agad-agad naman niyang kinuha sa sala ang cellphone niya..
"Gab! Kumain ka na nga muna! Mamaya na nga yang pagchat mo.." Sermon ni Mama kay Kuya Gab..
"Psh! Sino yan Kuya Gab? Si Ate Karyll,Nisha,Ann, o si Ate Jhessa?" Sabi naman ni Chris at napatingin naman si Kuya Gab sakanya,, Nagulat kami na nagsabi ng ganun si Chris..Wala akong aalam-alam na may alam dun si Chris..
"W-what are you s-saying C-chris??" Sabi ni Kuya Gab..
"Hmm..Gab ahh, Sino Gab sa mga sinabi ni Chris?" Sabi naman ni Papa..
"S-si Karyll..." Sabi ni Kuya Gab..Oh thank god..
"Ikaw Gab ah! May Girlfriend ka na pala, dalhin mo naman dito next time!" Sabi ni Mama..HAHA! She's there again teasing Kuya Gab about his 'girl friends'..
"H-huh?! No s-she's not!" Ang pagtanggi ni Kuya Gab..
"Oh speaking of girlfriends, ikaw Cad meron na din ba?" Sabi ni Papa..Oh no, alam kong mapaguusapan din ako sa mga gantong bagay *sighs*
"No----" Napatigil naman ako nang biglang magsalita si Chris..Oh shoot!
"Ma! He has one!! Kanina sa kwarto namin may nak----" Napatigil naman si Chris sa pagsasalita niya dahil sinubo ko sakanya ang isang kutsara na punong puno ng kanin na may karne..
"No i don't have one, just eat Chris, or you'll get thin." Seryosong sabi ko..Hmp! I knew it! Lagi naman yang nagsusumbong kay Mama eh.
"HAHAHA!" Tumawa naman si Kuya dahil sa nangyare at umupo siya ulit at tinuloy ang pagkain..Nakangisi siya saakin na kala mo naman nakadrugs..(not kidding tho)
"Tama na nga yan!" Sabi ni Mama na pabiro..at bigla naman itong tumawa ng mahina..
"Uh hon, niyayaya ako ng mga kaibigan ko noong highschool na pumunta daw kami sa..." Sabi ni Papa at bumulong naman si Papa kay Mama..Hay..Lagi nalang siya niyayaya ng mga kaibigan niya na pumunta kung saan saan..
BINABASA MO ANG
Every Sundays
RomanceAng tanong ng karamihan, "Do you believe in love at first sight?"..."No, I don't" --Cara "Hindi mo naman alam kung yung taong na love at first sightan mo ay yun na yung itinadhana sayo..malay mo sa maling tao? Sa maling tao na love at first sight."...