Chapter | Five

464 23 4
                                    

        Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang boses ng aking matalik na kaibigan na si  Smoke sa kabilang linya. 

        Bakasyon? Tama ba ang narinig ko na sinabi niya? Ibig sabihin ay sa pagkakaalam niya ay nasa bakasyon lang ako?

        "M-maayos naman," sagot ko na may kaunting alinlangan. "Vacation's going great, so far," pagsisinungaling ko. Should I tell him now? No. Siguro pagbalik ko na lang ng Maynila.

        "Kailan ka ba babalik dito? Tagal mo nang nakabakasyon ah! Two weeks na! Nasaan ka na ba?"

        "TWO WEEKS?!" nabulalas ko.

        "Hindi ka pa ba nagsasawang libutin ang Pilipinas? Bumalik ka na dito sa Maynila, I miss our night life, bro!" Pagpapatuloy niya na para bang hindi niya 'ko narinig.

        Two weeks. I'm gone for two weeks and I have no idea! Litong-lito na talaga 'ko. Buhay ko pa ba talaga ito?

        "I need to talk to you Smoke, see you soon," saka ko na ibinaba ang linya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero parang naging excited akong makita ang best friend ko ba two weeks ko nang hindi nakikita, aniya. Mabilis akong tumayo ng kama atsaka inayos lahat ng mga gamit ko. Sa mga ilang sandling iyon ay nakalimutan ko si Sabrina at ang katotohanang nawawala siya. 

        Nang maiayos ko na lahat ng kagamitan ko ay handa na akong umalis at lisanin ang lugar na 'to. Tiningnan ko mula sa mga listahan ng extension numbers ang numero ng front desk saka idinayal ko ito sa telepono. Hindi si Mernie ang sumagot ng telepono. Nagsabi ito ng pangalan pero hindi ko natandaan. Sinabi kong aalis na 'ko at pinahahanda ko na ang lahat. Nang matapos ang aming usapan ay ibinaba ko na ang linya at makaraang ang ilang sandali ay may kumatok na sa pinto. Nang buksan ko ito ay agad kong nakilala ang lalaking nakasuot ng uniporme ng beach resort, si Felix. Isa rin siya sa mga crew ng resort na nag-assist sa'min ni Sabrina nang dumating kami dito.

        "Good afternoon sir," bati niya 'sakin.

        Tango lang ang naging tugon ko sa kanya.

        "Aalis na kayo agad?" Pagkuwa'y tanong niya.

        "O-oo e," alangan ko pang sabi. "Something happened," napahawak ako sa likod ng aking batok. "Are you here for my bags?"

        "Yes sir," maikli niyang sagot.

        "Come in," saka ako umatras ng kaunti para makapasok siya. Nagtungo ako sa may kusina saka kumuha ng baso ng tubig habang nagtuloy siya sa kwarto.

        "Ito lang po ba ang mga gamit niyo sir?" 

Paglingon ko sa'king likuran ay naroon na siya dala ang dalawang malaking bag.

        "Oo," sagot ko habang hawak pa rin ang baso ng tubi sa'king kaliwang kamay. Humakbang ako ng dalawa para mas makalapit sa kanya nang akma siyang patalikod, "Felix," tawag ko sa kanya.

        "Yes, sir?" lingon niya sa'kin na namimilog ang mga mata. I guess they just need to be like this in the name of customer service. 

        "Can I ask you something?"

        He nod, "Ano po 'yun sir?"

        "Amm... nang...," I don't know how to ask him the right question. Tumalikod ako saka inilapag ang baso ko sa may mesa at muli ko siyang hinarap. "Na-nothing," sabi ko na lang dahil ayaw ko namang magmukhang tanga pa. Ano pa bang magagawa ng pagtatanong ko sa kanya kung alam ko naman din ang isasagot niya. Inferno is burning me in anger again. I will not forget and forgive this place hangga't hindi ko nakikita si Sabrina, bulong ko sa'king utak. 

When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon