Chapter | Fourteen

326 17 4
                                    

        Para akong lumilipad sa hangin pag-uwi ko ng bahay. And I cannot deny it anymore, I like Martha. Hindi ko alam kung isa na ba ito sa mga senyales na kinakalimutan ko na si Sabrina pero imposibleng makalimutan siya ng puso ko dahil hawak pa niya ang kalahati nito. 

        Nakaharap ako sa screen ng computer ko. Sinusubukan kong gumawa ng email kay Axon at sa likod ng utak ko ay ayaw ko na itong i-send sa kanya. Masaya na 'ko ngayon. Ang kalungkutan at pagpapakahirap ng pagkawala ni Sabrina ay unti-unti nang nawawala sa puso ko. Ang mukha ni Sabrina ay parang nabubura na sa alaala ko sa paglipas ng ga araw at sa tuwing iniisip ko siya... si Martha na ang pumapasok sa larawan na binubuo ko.

        I called my buddy to consult if I'm doing the right thing. Kinagabihan ay lumabas kami at nagpunta sa isang bar para pag-usapan ang bagay na gumugulumihanan sa puso at sa utak ko. Sinabi ko ang lahat kung gaano kawirdo ang nararamdaman ko at kung pagtataksil na nga ba ang ginagawa ko.

        "Are you insane? You're doing great!" aniya na walang bahid ng pag-aalinlangan.

        "How come I'm doing great? Nagtataksil na 'ko kay Sabrina."

Ininom ni Smoke ang kanyang alak saka tumingin sa'kin. "You are not betraying her," hinawakan niya ang aking braso, "you are doing yourself a favor."

        "Paanong pabor ang ginagawa kong 'to? Hindi ako pwedeng main-love ako sa dalawang babae ng sabay."

        "But you are and you know it," pakli niya sa sinabi ko.

        "Anong kailangan kong gawin?" ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. "Sabihin mo kung anong dapat kong gawin dahil gulong-gulo na ako."

        "Move on with Sabrina. Start over with Martha. And besides...," sinalubong niya ang tingin ko bago siya muling nagsalita, tila humihingi ng permiso at patawad sa susunod na sasabihin niya, "mukhang wala talagang Sabrina buddy, kalimutan mo na siya dahil ginawa na lahat ng inupahan kong detective para hanapin siya pero walang records ni Sabrina Lopez kahit saan."

        Napatigil sa ere ang pag-inom ko ng alak. Kailangan ko na nga bang kalimutan si Sabrina? Is ithis the right time to move on? To accept that the only half of my life is really gone? I can feel again the pain but enough to remind me of Sabrina. The girl who smiles full of love and affection; the girl who always believe in infinity more than love; the girl who stole my heart and run away... will I ever see her again? Tanong kong muli sa'king sarili. I wanna convince myself that there something behind it but how can I move on and be happy with Martha kung hindi ko nabibigyan ng kasagutan ang sarili ko?

        Magulo ang utak ko ngayon. HIndi ko alam kung anong gagawin ko. Nasa gitna ako ng pagmo-move on at pagiging in love. And unfortunately my one and only best friend cannot help me to decide. Kung sabagay, ano nga namang kinalaman ni Smoke dito? Buhay at puso ko ito kaya ako ang dapat makasagot sa sarili kong tanong kaya heto ako ngayon dito sa Antipolo, kung saan tanaw ko ang kabuuan ng siyudad; ang mga ilaw na parang mga bituin dito lupa, ang malamig na hangin na nagpapatayo ng aking balahibo at ako na ang isip ay litong-lito.

        Tumingala ako sa langit at hinahanap ang anino ni Sabrina na dati ay nakikita ko... pinipilit kong buuin ang mukha niya gaya ng ginagawa ko dati pero si Martha ang laman ng isip ko. 

        Ito na nga siguro 'yung part kung saan kailangan ko nang magmove on, sabi ko sa sarili ko. "I'm letting you go Sabrina... I'm setting you free," mahihina kong bulong sa hangin na parang pumipiga sa puso ko. I need to this. I need to do this for once and for all. For me and for her and for Martha.

        "Goodbye Sabrina."

*        *        *

When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon