7:03 P.M na nang matapos kami sa pag-aayos ng mga tent at kinailangan pa namin ng tulong ng grupo kanina para mabuo namin dahil hindi din naman kasi ako marunong at first time ko rin kasing mag-camping ng ganito. Kumakalam na ang mga sikmura namin kaya nag-umpisa na akong magluto sa portable gas stove na dala namin. At nang matapos ako ay tinawag ko na si Martha sa kanyang tent na malapit sa'kin at inayang kumain. Naupo kami sa may malaking puno na nakahamba sa tapat ng mga tent namin na nagiging pagitan naman ng mga iba pa naming mga kasama. Nagsindi rin kami ng bonfire para magsilbing liwanag sa paligid dahil hindi sapat ang liwanag na meron ang park.
Panay puri ni Martha sa pagkaing hinapag ko. Paborito daw niya kasi itong Adobo na nasa hapagan namin sa portable na mesa na dala rin namin. Nagtawa naman ako ng malakas dahil hindi ko na rin napigilan at nagsabi na rin ako ng totoo na kanin lang ang niluto ko talaga at ang Adobo na kinakain niya ay 'yung nakapaketeng nabibili lang sa supermarket na binaon ko lang. Natawa na lang din siya sabay batok sa'kin. Tapos sabi niya, "Walang hiya ka akala ko pa naman ikaw nagluto."
Pagkatapos naming kumain ay nanigarilyo pa siya bago tuluyang pumasok sa tent niya. Inaabutan niya 'ko ng isang stick pero tumanggi ako dahil ayaw ko namang malulong sa ganoong bisyo. Atsaka tama na na nakatikim na 'ko ng maraming sticks ng sigrailyo. Tama na ang alak na maging bisyo ko para sa'kin. "Good," sabi niya. "Mabuti 'yan," dagdag pa niya.
* * *
Sa loob ng tent hindi ako dalawin ng antok kahit na anong biling at baliktad ko. Naiisip ko si Sabrina. Naiisip kong baka nga hindi siya totoo at gawa-gawa ko lang siya. Naiisip ko rin lahat ng posibilidad sa mundong ito na pwedeng nangyayari sa'kin ngayon. But I question myself, if I've made up all of this, all about Sabrina, how come it feel so real? How come she feels so real? The pain and the rage inside me, it totally kills and weakens me.
Kinuha ko ang telepeno ko saka tinawagan si Smoke. Pagkatapos ng ilang ring ay wala pa ring sumasagot. Nasa party o nasa club na naman siguro siya kaya hindi na naman niya nasasagot ang kanyang telepeno. Nang maibaba ko na ang linya ay sakto namang tumawag naman si Axon. Agad ko iyong sinagot na may kaba sa dibdib na kung anumang maari niyang sabihin.
"Hello?" pinilit kong maging kalma ang boses.
"Mr. Hansen, we need to talk, in person."
Lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa kinalalagyan nito sa'king dibdib. Ang boses niya ay parang kidlat na tumama sa'kin na parang lalamon sa buong katawan ko sa kung anuman ang kanyang sasabihin.
"I can't talk in person right now, nasa Laguna ako. Just tell me over the phone."
"Hindi pwede Mr. Hansen, delikado."
"Bakit?"
"Atsaka mo na malalaman kapag nagkita na tayo."
Nagbangon ako mula sa'king pagkakahiga. "Nakita mo na ba siya?"
"Hindi ko pa siya nakita," he pause, "at hinding-hindi ko na siya makikita dito sa mundo."
Tila gumuho ang lupa na kinauupuan ko. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at ang galit ay nag-uumpisang kumulo sa dibdib ko. Ang kaba ay napalis at parang naging bara sa lalamunan ko at ngayon ay naguguluhan ako.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Like what I've said, it's very dangerous to talk over the phone. Kailangan nating magkita ng per―"
Nawala na siya sa kabilang linya at busy tone na lang ang naririnig ko. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage area na daw.
BINABASA MO ANG
When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]
Mysterie / ThrillerNagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli...