November-17-2013
Napakalakas ng ulan nang magising ako. Alas-sais na ng umaga pero madilim pa rin ang paligid dahil sa lakas ng ulan. Habang pababa ako sa may hagdan ay paulit-ulit ko pa ring dina-dial ang number ni Sabrina sa telepeno ko pero pareho pa rin ang sinasabi ng operator: The number you were trying to call doesn't exist on our system. Hindi na ako ganoong nagalit pero ayaw ko namang makasanayan ang ganitong pakiramdam dahil para ko na ring kinakalimutan si Sabrina. Nagtimpla ako ng kape sa may kusina ng bahay ni Smoke saka ako naupo sa may sala. Kinuha ang laptop ko at binuksan ulit ang facebook ko. Sinubukan kong hanapin muli Sabrina pero nabigo ako ulit. Pati mga kamag-anakan niya ay hindi ko makita and it frustrates me again.
Humigop ako ng kape saka muling nagbalik ng tingin sa screen ng laptop. Nagbukas ako ulit ng window at pumunta sa google. I type: How to find a missing person. Maraming results na lumabas at bawat inisa-isa ko ang mga ito. Karamihan sa mga resulta ay nagsasabi na dapat ay nag-report agad ako sa mga awtoridad o mga pulis upang ipagbigay alam na nawawala si Sabrina. Sinabi rin na dapat ibigay ko lahat ng impormasyon at ang larawan ng nawawala. Then I tell myself that's it's impossible to provide Sabrina's picture dahil kung ako nga ay wala. Kaya na rin hindi ako nag-report sa mga pulis dahil alam kong masasayang lang ang oras ko.
I tried to search for another topic. This time I type the words: How to find a missing person that is totally gone. Maraming topics and websites ang lumabas kung saan nagdi-display ng mga taong nawawala na hindi na nila nakita. Ang ilan ay hinihinalang nadukot at nagahasa dahil karamihan sa mga case na unsolved ay sa ibang bansa nangyari. Pero lahat sila ay may common na mga detalye; lahat sila ay may mga bakas o mga magpapatunay na nakasama nila ang mga taong nawawala.
Ginulat ako ng kulog kasunod ng kidlat at malakas na paghampas ng hangin sa labas. Napatingin ako sa bintana at mukhang may bagyo. Ibinalik ko ang tingin sa mga listahan ng mga taong nawawala na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap. Lahat ng mga bawat pangalan ay may mga litrato pero paano ko maisasali ang pangalan ni Sabrina kung wala naman akong mailalagay na larawan niya? Siguro mamaya pagtigil ng ulan ay kailangan kong pumunta sa mall para maghanap ng shop kung saan nag-i-sketch sila digitally para mabuo ang larawan ni Sabrina. Iyon lang ang tanging paraan para magkaroon ako ng picture niya.
Pababa ng hagdan si Smoke dala ang kanyang laptop. Suot pa rin niya ang berdeng roba at gusot-gusot ang kanyang medyo may pagkakulot na buhok. "Good morning, buddy," bati niya sa'kin.
Nagtungo siya sa kusina saka nagtimpla ng kanyang kape. Naupo siya sa may mesa at inilapag ang kanyang laptop saka binuksan.
"Let's talk again about Sabrina," tumayo siya saka inipit sa kanyang kili-kili ang laptop at dala naman sa kanyang isang kamay ang baso ng kape saka naupo sa sala sa kabilang sofa sa tapat ko. "Nag-report ka ba agad sa mga pulis nang araw na mawala siya?" Pagpapatuloy niya.
"Hindi," mabilis kong sagot. "You know me Smoke,"huminga ako ng malalim. "Alam mo naman kung paano gumana ang utak ko. Papaano ko nga ire-report sa mga pulis na nawawala siya kung wala naman ako ni isa mang ebidensiya."
"Pero sana sinubukan mo pa rin, buddy."
"It's just a waste of time at mapagkakamalan lang akong baliw."
"Kahit na."
"I know there is another way," matigas ang aking tinig. Tumingin siya sa'kin ng diretso. "It's not a dream but I know there is something wrong. Hindi kayang hanapin ng mga pulis si Sabrina. Kaya hahanap tayo ng mga taong pwedeng humanap sa kanya."

BINABASA MO ANG
When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]
Misterio / SuspensoNagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli...