Chapter | Four

467 23 1
                                    

        Laglag ang aking mga balikat at nararamdaman ko ang bawat butil ng puting buhangin na humahalik sa'king mga talapamkan habang naglalakad ako patungo sa asul na kulay na tubig ng dagat. Mataas ang sikat ng araw pero hindi ko dama ang tirik ng kainitan nito dahil mas masakit pa rito ang idinudulot ng pagkawala ni Sabrina. Nang maramdaman ko ang pagdampi ng tubig sa'king mga paa ay naramdaman ko rin ang pag-akyat ng lamig nito sa'king puso na nagdudulot ng kalma at kaginhawahan na alam kong panandalian lamang.

        Sumisid ako ng malalim. Sa ilalim ng tubig mas naramdaman ko ang matinding katahimikan at parang nakikita ko sa tubig ang mukha ni Sabrina; she's asking for my help. Para siyang nalulunod na parang hindi, at ang mga mata niyang kulay kape ay nagliliwanag na parang ginto. Pinaglalaruan ng tubig ang kanyang mamula-mulang buhok na sa pagkakatanda ko ay lampas sa kanyang balikat at ang kanyang puting kasuotan ay kay sarap pagmasdan.

        "Sabrina..." I whisper while trying to reach her hand. At bago ko pa mahawakan ang kanyang kamay ay naramdaman kong nawawalan na ng hangin ang aking mga baga at kung hindi ako aahon ay maari ko itong ikamatay. I think it's better that way; to live without Sabrina is like living in the kingdom of hell.

        "I love you."  I know she said that on her mouth. Kahit wala akong boses na narinig alam kong iyon ang kanyang sinabi.

        "I will find you!" Sigaw ko kasabay nang paghumpay ng aking mga kamay at paa paitaas. Pag-angat ko ay pinuno ko ng hangin ang aking katawan. Naramdaman ko ang matinding pagod ng aking katawan kaya umahon na 'ko sa tubig at nagbalik sa cabin.

        Her enchanting essence still lingers when I entered the cabin. In a flash, I picture her standing on the door of the room and smiling at me then...she's gone again. I know I have to find her but where will I start? Wala akong ebidensiya ng kahit anong magpapatunay na tunay si Sabrina, ang asawa ko.

        Naupo ako sa may gilid ng kama. Hinubad ko ang basa kong shorts at sando hanggang sa maging hubo't-hubad ang aking katawan. Malamig ang paligid at nag-uumpisa nang umulan sa labas. Humiga ako sa kaliwang banda ng kama. Humarap ako sa bandang kanan at hinahaplos ang puting unan kung saan idinantay ni Sabrina ang kanyang ulo. 

        Saan ka nga ba nagpunta Sabrina? Hindi ko na alam kung nababaliw na ba 'ko o ano.

Tumulo ang patak ng mga luha mula sa'king mga mata. Nanatili ako sa ganoong pwesto; hubad at wala ni isa mang saplot. Ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng antok hanggang sa kusang pumikit ang aking mga mata at nakatulog.

        I gently open my eyes. Maliwanag ang buong kwarto dahil sa sikat ng araw. Tiningnan ko ang digital clock and it's  already 12:39 in the afternoon, November-16-2013. Now, I can declare Sabrina is really missing. I can go to the police station and report it but I cannot. I just simply can't. I'm a smart person and I know cops wouldn't be able to help me. I'm sure na tatawagin lang nila akong baliw kung magsasabi ako ng totoo. Kung sabagay sino nga ba namang maniniwala sa'kin? Ni wala akong pruweba o kahit anong bagay na pwede kong ipakita sa kanilang totoo si Sabrina.

        Naupo ako sa kama at napasapo sa'king ulo at narinig ko ang pagkalam ng aking tiyan. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Oo nga pala't maghapong hindi ako kumain kahapon dahil sa pag-iisip kung nababaliw ba ako o hindi. Pero ngayong umaga malinaw ang aking pag-iisip, kahit na walang laman ang aking tiyan, at malinaw sa'kincna hindi ako nababaliw. I cannot change the fact that Sabrina is missing but I know for sure that I can and I will find her. Alam kong may nangyayaring mali at aalamin ko kung ano iyon. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita.

        Kinuha ko ang aking telepeno at sinubukan ko muling tawagan ang number ni Sabrina, pero parehong sagot pa rin ang nakuha ko: The number that you were trying to call doesn't exist. I feel the rage again in my chest and I know I need to control it.

        Nag-dial muli ako ng numero mula sa contacts ko.

        Makalipas ang ilang ring ay may sumagot, "Hello? Kamusta ang bakasyon? Buhay ka pa pala?"

When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon