Napaigtad ako mula sa damuhan kung saan ako nakaidlip. Isang panaginip lamang pala si Lola Iska. But it felt so real. Parang totoo siyang lumapit sa'kin at kinausap ako tungkol kay Sabrina. The excitement and joy that I felt when I found out she knew too about Sabrina, gave me full of hope and at the same time, disappointment. Akala ko pa naman ay totoo na pero panaginip lamang pala ang lahat. Nitong mga nakaraang araw napapansin kong napapadalas na ang mga panaginip ko pero dala lang siguro ito ng pagkawala ni Sabrina o matinding dipresyon. Tumayo na 'ko mula sa damuhan saka naglakad na pabalik sa parking lot. Bago ako tuluyang kumaliwa sa pinaka bukana bago ang hagdan na bato pababa sa ilog ay muli kong tiningnan ang kubo sa may bandang dulo. Wala ng usok na nanggagaling dito pero parang may nag-iba at hindi ko masabi kung ano. Pero hindi ko na masyadong tinitigan at nagtuloy na ako dahil nagdidilim na sa buong paligid.
Alam kong si Smoke ang nagbukas ng pintuan ng bahay ko dahil bago pa man siya pumunta dito ay tinawagan na niya ako kanina habang nasa sasakyan ako pauwi at nagsabing pupuntahan niya ako. Nakaharap ako sa monitor ng desktop computer ko nang datnan niya ako sa maluwang na sala kung saan may kadiliman dahil hindi ko na binuksan ang ibang ilaw dahil wala ako sa mood at mas maluwalhati ang pakiramdam ko sa dilim sa mga panahong ito.
"Para ka namang bampira," hasik niya habang tinapik ang likod. Liningon ko siya at tinanguan bago siya naupo sa sofa na hindi ganoon ang distansiya mula sa kinauupuan ko. "Wag mong sabihing pati friendster at instagram ay nagalugad mo na sa paghahanap mo kay Sabrina," pagkuwa'y ani niya.
Tumingin lang ako sa may gawi niya, my eyes are stern.
"I know that look buddy, it means yes."
"Ano naman ngayon?" Depensa ko. Kinuha ko ang litrato na kaka-print ko pa lang sa printer sa may gilid ng mini office ko sa sala atsaka iniabot sa kanya.
"Ang ganda nito ah!" Komento niya agad nang masilayan ang babae sa litrato. "Sino 'to?"
At bago pa ako makasagot ay tila nasagot na rin niya ang sarili niyang tanong. Napauwang ang bibig niya saka 'di makapaniwala.
"Siya 'to?"
"Yes." Inikot ko ang swivel chair ko at humarap sa kanya.
"Ang ganda pala ni Sabrina. Ano na ngang number niya ulit?" Biro niya pagkuwa'y. "Joke lang, buddy." Nag-ayos siya ng upo saka napahawak sa kanyang baba habang pinagmamasdan ang litrato na hawak niya sa kanyang kanang kamay. "I'm trying to find the familiar feelings pero wala talaga buddy," seryoso niyang ani. "Hindi pa 'ko nakakita ng kasingganda niya sa tanan ng buhay ko, honestly speaking, kaya sigurado akong hindi pa kami nagkikita ni Sabrina gaya ng sinabi mo."
"But you were close back then," I murmur as I look away. I uploaded her picture again on the other site for the missing person aroundthe country and I specified there all of the details and our story. I'm not expecting a reply nor for sympathy but I'm expecting someone to tell me that they saw Sabrina, my love. Sino nga ba namang maniniwala sa inilagay kong kwento kasama ang kanyang litrato? Mayroon kayang maniwala na basta na lang nawala ang babaeng pinakasalan ko at pagkagising ko ay walang makapagsabi kung saan siya nagpunta at wala ring nakakita?
"Ano 'yan?" Tanong ni Smoke na ngayon ay nakatayo sa likod ko at binabasa ang deskripsyon na inilagay ko kung papaano nawala si Sabrina. "I find it a little bit odd, buddy," tinapik niya ulit ang kanang balikat ko bago nagpunta sa may bar counter at nagsalin ng alak. "Iisipin ka nga nilang baliw tungkol sa post mong 'yan," lumagok siya ng alak habang naglalakad papalapit sa'kin. "Alam mo naman ang mga netizens dito sa bansa natin. Some will find it odd, like me, while some will find it interesting and others will use this against you para masira ang career mo sa pagsusulat." Naupo siya sa muli sa sofa kaya inikot kong muli ang aking swivel chair at hinarap siya.
BINABASA MO ANG
When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]
Misterio / SuspensoNagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli...