Ayaw dumating ng antok sa'kin. Bukas na bukas ang mga mata ko sa nalaman kong reyalidad. Hindi nga nagsisinungaling si Axon at sapat na ang ebidensiyang nawawala si Sabrina sa hindi ko malamang dahilan para paniwalaan ang sinasabi niyang nasa Parallel Universe ako. Ito pala ang magiging hinaharap ko kung sakali. Hindi, wala ng sakali. Ito na iyon. Sabi nga ni Axon ay hindi ko na mababago ang hinaharap. Pero bago ako bumalik sa katawan ko bukas ay kailangan ko munang malaman kung ano talaga ang nangyayari at tunay na dahilan kung bakit nawala si Sabrina.
Bukas hahanapin namin ni Axon ang katawan ko. Will I be able to remember this? Ano kayang parte ng buhay ko ang babalikan ko? O ang mumulatan ng mga mata ko? Maraming tanong ngayon ang nabubuo sa isip ko at kumikirot na ang mga ugat sa utak ko sa dami.
Hindi ko sukat akalaing may ganito pala talaga kung saan pwede mong makita, maranasan at maramdaman ang hinaharap mo. Marami talagang misteryong bumabalot sa buhay. Mga misteryong walang kasagutan sa totoong sirkulasyon ng buhay. Dahil ang alam lang nating mga tao ay ang mga bagay na nakikita natin.
Hungkag ang pakiramdam ko at halos napupuno ang bawat selda ng utak ko. Hindi ko na alam. Paano ba ako makakatulog. Gusto ko munang ipikit ang mga mata ko at ipahinga ang utak ko pero hindi ko magawa.
Hindi ko magawa!
Mababaliw na 'ko!
* * *
Kinabukasan ay tahimik lang akong nakaupo sa may sasakyan ni Axon. Ipinapaliwanag pa niya ang ibang bagay na hindi ko maintindihan at nakatulong naman iyon dahil nasagot ang iba kong mga katanungan at nagkaroon ng linaw kung bakit ito nangyayari.
Posible daw na nasa isang hospital ang katawan ko at natutulog lang o sa ibang salita ay comatose ako sa mga sandaling ito kaya umalis ang kaluluwa ko at nagpunta sa ibang mundo at dito nga ako napadpad. Hindi daw niya agad natuklasan na isa akong astral soul dahil sa itim na kapangyarihan na bumabalot sa hinaharap ko?
So black magic is true and I'm about to deal with that in my future. Nang magtanong ako tungkol sa iba pang detalye ng pagkawala ni Sabrina ay wala na siyang maisagot pero binigyan niya ako ng libro na pamilyar na pamilyar sa'kin mula sa cover at sa synopsis nito at nang tingnan ko ay pangalan ko ang nakasulat na may-akda.
WHEN SABRINA WENT MISSING written by Emerson Hansen.
"Iyan ang dahilan kaya ko nalaman na nasa astral form ka sa mga sandaling ito. You wrote that book because you've been already here before you wrote that book. At iyan din ang dahilan kung bakit naging sikat na writer ka," bumaling siya sa daan at huminto sa may stoplight nang magpula ito.
"So it means... magiging writer talaga ako? Dahil isusulat ko ang mga nangyaring ito?"
"Yes, gaya nga ng sinabi ko hindi mo mababago ang nakatakda Emerson."
Agad kong binuksan ang dulo ng libro pero blangko ang ibang pahina nito. At habang nagpatuloy kami sa pagbagtas ng daan ay unti-unting nagkakaroon ng salita ang ibang pahina. Parang ang bawat galaw ko ay nagiging recorded sa librong hawak ko.
Bumalik ako sa mga nakaraang chapters para hanapin ang sagot tungkol sa sinabi ng batang "Don't fall in love along the way" pero wala akong mahanap na sagot. Sinubukan ko ring hanapin ang pangalan ni... hindi ko na matandaan pero alam ko manager siya sa resort na iyon na nagpakilala kinabukasan na Ergott daw ang pangalan at hindi... hindi ko matandaan.
BINABASA MO ANG
When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]
Mystery / ThrillerNagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli...