Agad kaming pinapasok ng security guard ng hotel na hindi naman kalakihan pero sana ay may bakante silang mga kwarto para sa'ming dalawa ni Martha.
"Good evening ma'am and sir," magalang na bati ng lalaking nasa front desk.
"Room for two, please," wala ng paligoy-ligoy na sabi ko. At talagang inunahan ko na si Martha dahil ito lang ang naiisip kong paraan para magkaiwas kami―ang kumuha ng dalawang kwarto para hindi maging maliit ang mundo sa pagitan naming dalawa.
Tumingin sa monitor ng computer ang lalaki saka binalikan kami," sorry sir, pero isang kwarto na lang po ang available namin ngayon."
"Okay, we'll take it," mabilis na sagot ni Martha. Lumingon siya sa'kin saka nginitian na naman ako, "okay lang naman sa'yo 'di ba?" atsaka na niya nilabas agad ang kanyang wallet at nagbayad.
"Hindi," agad kong sagot." Ay mali, hindi," ulit ko na naman. Napakamot ako sa'king ulo bago muli nagsalita. "I mean, ikaw ba ayos lang sa'yo?"
"Oo," kunot-noo niyang sagot. "Sa kama ako, sa sofa ka," paglilinaw niya.
Tumango na lang ako. Iniaabot na sa'min ng lalaki ang susi at itinuro niya ang daan paakyat sa kwarto kung saan kami mananatiling magkasama ni Martha ng isang gabi. Bago kami umakyat sa may hagdan ay nakita kong may daan mula dito sa lobby ng hotel papunta sa convenient store kung saan sila nagtitinda rin ng mga damit. Pinauna ko na si Martha at sinabi kong bibili lang ako ng mga damit namin.
Kahit papaano ay natuyo na rin ang damit ko dahil sa malamig na ibinubuga ng vent na nagpapalamig sa paligid at nagtutuyo ng damit ko. Sana 'wag na lang akong magkasakit, wika ko sa sarili ko. Habang namimili ako ng damit na pangbabae na para kay Martha ay naalala ko na naman si Sabrina at ang paghahanap ni Axon sa kanya kaya agad akong nagtanong sa may cashier kung meron bang malapit na internet shop dito o kahit saan pwede akong makapag-internet at makapag-send ng e-mail kay Axon at hindi na 'ko nagulat nang isagot niya sa'king 'wala' dahil in-expect ko na 'yon dahil nga malas ang araw na 'to. Nagtawa na lang ako saka bumalik sa pamimili ng mga damit. Nang matapos na akong kumuha ng mga damit ko ay bumalik ako sa mga pangbabae at kumuha ako ng kahit anong kulay ng blouse na pwedeng isuot ni Martha. Nang madaanan ko ang underwear section ng brassiere at panties ay napatingin ako at napaisip na kailangan din pala ni Martha ang mga ito.
Hindi ko alam kung lalapit ba 'ko o tatawag ako ng saleslady. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin dahil kahit kailan hindi ako isinama ni Sabrina na mamili ng mga undies niya. Atsaka isa pa parang napaka-awkward naman kung ako ang pipili ng brassiere at panty ni Martha.
"Yes, sir, panty po ba ang hanap o niya o bra? O pareho po?" tanong sa'king ng saleslady na bigla na lang sumulpot sa gilid ko.
"Ahh," bigla tuloy akong napakamot sa ulo ko. I gulped and talk to her na kailangan ko ng bra at panty para sa size ni Martha.
"Ano po bang cup ng girlfriend niyo?"
"Cup? Ano 'yon?" kunot-noo kong tanong.
"Size po ng dibdib," paglilinaw niya.
"Ahh," tango ko at sinabi ko sa kanyang hindi ko alam. Alam kong nagpipigil lang ng tawa ang saleslady dahil sa katangahan ko. Nakakahiya. Oo writer ako pero biglang nawala sa bokobularyo ko ang salitang 'cup', 'yon lang 'yon. "Paano ko ba ide-describe ang ano ni Martha?" nasambit ko.
"Hindi niyo po alam ang cup ng girlfriend niyo?" tanong ng saleslady. "Ayos lang 'yan sir, bili na lang kayong tig-iisa ng bawat cup na sa palagay niyo ay kakasya sa girlfriend niyo."
Girlfriend. Gusto ko sanang sabihing hindi ko girlfriend ang babaeng binibilhan ko pero baka mas lalo lang akong bolahin at gatungan ng saleslady na ito kaya kumuha na lang ako ng iba't-ibang cup ng bra at size ng panty na sa palagay ko ay kakasya kay Martha. Umakyat na kaagad ako sa itaas nang matapos na akong mamili at hinanap ang kwarto namin.
BINABASA MO ANG
When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]
Misterio / SuspensoNagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli...