Narito ako ngayon sa isang park. Nakaupo sa isang bench sa ilalim ng puno habang nasa binti ko ang aking laptop. Nakatingin lang ako sa mga tao sa paligid, sinusubukan kong kumuha ng inspirasyon; mula sa limang batang nagtatakbuhan sa harapan ko na pilit hinahabol ng mga yaya nila pero hindi sila mahabol-habol pagkuwa'y tumingin naman ako sa bandang kaliwa ko at mga nanay naman na nagtsi-tsismisan at walang tigil ang mga hagalpakan sa kung anumang pinagkukwentuha nila at sa bandang kanan ko naman ay mga matatandang nag-e-aerobics na kahit pa medyo masagwang tingnan ay nakakaaliw at masaya ako para sa kanila dahil pinapanatili nilang malusog ang kanilang mga pangangatawan sa kanilang mga edad.
Napaisip tuloy ako kung kailan ako huling nag-gym? Bago pa ata kami ikasal ni Sabrina, sabi ko sa'king isip.
Ibinalik ko ang tingin ko sa monitor ng laptop at tiningnan ang blankong microsoft word. Sumulat ako ng ilang sentence pero binura ko rin kaagad dahil hindi ko nagustuhan ang pagkaka-construct. Ayaw ko namang sirain ang umaga dahil hindi ako makapagsulat kaya panandalian kong ipinikit ang aking mga mata at pinakinggan ang bawat pag-ihip ng malamyang hangin ng umaga kasama na ang lahat ng ingay sa'king paligid; huni ng ibon, mga boses ng mga nanay na hanggang ngayon ay nagtatawanan pa din, 'yung music ng mga nag-e-aero at...
...at ang amoy ng pabango ni Sabrina. Nananaginip na naman ba ako? Agad kong natanong sa'king sarili. Nagdadalawang isip akong ibukas ang aking mga mata dahil natatakot akong matuklasan na isa na namang itong panaginip. Minsan pinapangarap ko na lang na hindi na ako magising para magkasama na kami ni Sabrina at hindi na kami magkahiwalay pero alam kong isa lang iyong magandang ilusyon. Isang ilusyon na hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ng buhay gayong unti-unti na ring namamatay ang malaking pag-asa na mahanap ko siya.
Tumindi pa ang amoy ng pabango sa paligid at parang iyon na ang aking hininga na kailangan kong higupin para mabuhay ako. Temptation is very hard to resist but I will open my eyes because...I don't want to lose her again.
You have already lost her, idiot! Sigaw ng kabilang parte ng utak ko. Totoo naman kasi―I already lost the only thing that I most cherish in this world. Okay, fine. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at naramdaman na basa na pala ang aking mga pisngi dahil umiiyak pala ako ng hindi ko alam.
"May problema ka siguro 'no?" ani nang maliit na boses sa'king tabi.
Agad akong lumingon sa'king gilid at nakita ang isang batang babae na nakapigtail ang buhok at may matatabang pisngi at may bibilugin siyang mga mata na kulay kape...kasing-kulay ng mga mata ni Sabrina.
"O-oo," tugon ko sa kanya habang kinukuha ang panyo sa'king bulsa. Nang makuha ko ito ay agad kong pinunasan ang mga luha sa'king pisngi.
"Halata kasi sa mga luha mo," aniya saka nag-ayos siya ng upo. Pinag-ekis niya ang kanyang mga binti saka tumingin sa tinitingnan ko sa malayo. "Ako din may problema," pagkuwa'y sabi niya.
"Ano naman 'yon?"
"Secret," nag-angat siya ng ulo at binaling sa'kin ang kanyang tingin, "bawal sabihin." Ngumiti siya saka tumayo at tumayo sa harapan ko. "Pero pwede kang magkwento sa'kin tungkol sa problema mo." Inaayos niya ang kanyang medyo kulot-kulot na buhok mula sa pagkakalaglag ng pusod nito.
Natawa naman ako sa batang ito na sa tingin ko ay nasa limang taon pa lang ang edad. But the way she speaks, she's like a grown up.
"Alam mo para kang matanda kung magsalita," wika ko habang isinasara ang laptop ko.
"Sabi nga nila," payak na sagot niya.
Ibinalik ko ang laptop ko sa lalagyan nito saka muli siyang hinarap. Nagpatango-tango muna ko bago nagsalita. "Bakit ko naman sasabihin ang problema ko sa'yo kung 'yung problema mo ayaw mo namang sabihin sa'kin?" Sagot ko sa kanya ng mapanghamon kong boses. Tingnan ko nga kung ano pang ibubuga niya.
BINABASA MO ANG
When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]
Mystery / ThrillerNagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli...