Chapter | Eleven

312 16 5
                                    

        Hindi ko maintindihan ang galit na nararamdaman ko sa katangahan ko kung paano nawala ang cellphone ko. Pero natatandaan ko bago kami tuluyang umalis ng resort ay nasa bulsa ko lang ang telepono ko pero bakit bigla namang mawawala? May nagnakaw ba? Hindi ko alam.

        It took me almost one hour bago nakabalik sa park na pinanggalingan namin. And it took 30 minutes before they told me that I didn't left my phone there. It frustrates me dahil pakiramdam ko ay lalo na talaga akong nalalayo kay Sabrina. Nagiging hungkag na ang pakiramdam ko sa nangyayari sa paligid ko at alam kong may kakaibang hindi ko maipaliwanag, kaso hindi ko lang malaman kung ano, pero alam kong may mali at hindi tama sa mga nangyayari.

        Pagkatapos kong mabigo sa paghahanap ng aking telepono ko ay bumalik na 'ko sa park kung saan ko iniwan si Martha. Nadatnan ko sila na nasa may exit na sila at kakatapos lang daw nilang lahat at ang iba ay nauna na sa pag-uwi kaya sina Uno kasama si Soraya na lang ang nadatnan kong kasama ni Martha habang nakaupo sa may maliit na tindahan at naghihintay sa'kin.

        "Sorry," sabi ko kaagad nang makaharap ako sa kanila.

        "No, it's okay," ani ni Soraya at sabay silang tumayo ni Uno. "O ayan Martha, may kasama ka na. Paano ba 'yan una na kami?"

        "Oo," wika naman ni Uno." mahaba-habang biyahe pa kasi," dagdag niya. 

        "Oo, sure. Salamat ulit," ani ni Martha habang papatayo mula sa kanyang kinauupuan.

        "Una na kami Emerson," paalam sa'kin ni Soraya atsaka yumakap pagkatapos kay Martha. Nakipag-kamay ulit sa'kin si Uno bago sila tuluyang umalis. Pinagmasdan namin ang kanilang kotseng papalayo ng papalayo hanggang sa mawala na sa paningin namin. Pagkuwa'y naupo si Martha sa may upuan habang hawak ang bote ng tubig.

        "Nakakapagod," reklamo niya saka uminom mula sa boteng hawak, "pero masaya," she pause, "Nakita mo na cellphone mo?" baling niya sa'kin.

        "Hindi e," mapakla kong sagot.

        "Sayang naman," malungkot niyang sabi, "pero hayaan mo na makakabili ka naman ng bago."

        "Hindi naman kasi 'yung phone ang pinanghihinayangan ko, 'yung mga contacts. Kaso wala na talaga e. Ilang beses ko nang tinawagan gamit 'yung landline doon sa resort pero wala na daw talaga."        

        Napayuko ako saka napahawak sa ulo habang nanatiling nakatayo. Tumayo rin siya atsaka dahang-dahang hinaplos ang likod ko. Damang-dama ako ang init ng kanyang mga palad habang hinahagod niya ang mga palad sa malapad kong likuran at sinasabing maaayos din ang lahat. Sinubukan naman niya ulit i-dial ang number ko pagkaraan ng ilang sandali pero wala na daw talagang sumasagot. Ano pa nga bang magagawa ko? Bibili na lang ako ng bago pagbalik namin ng Maynila.

*        *        *

        

        Makulimlim ang panahon at halos hindi na namin makita ang araw dahil sa kapal ng ulap sa kalangitan na 'di kalaunay nagbagsak ng napakalakas na patak ng ulan kaya naging madulas ang daan habang nasa biyahe kami. Tiningnan ko ang orasan ng sasakyan, 06:35 P.M, kaya pala nagugutom na 'ko. Ayaw ko na sanang huminto para kumain kahit gutom na ako dahil gusto ko na talagang makauwi ng Maynila para makapag-send ng email kay Axon na nawala ko ang number niya pero mukhang kailangan ko talagang itabi ang sasakyan dahil na-flat-an kami.

        "Anong nangyari?" tanong ni Martha sa'kin na biglang nawala ang antok sa kanyang mga mata.

        "Flat."

        Hindi na siya umimik. Itinabi ko sa gilid ng daan ang sasakyan. Pagbaba ko ay agad kong tiningnan ang mga gulong sa likuran at tama nga ang hinala ko, flat nga, pero ang mas malala ay dalawang gulong pa ang nasira. Wala pa naman akong dalang extra na gulong dahil napakarami naming dala para magkasya pa ang extra na gulong. Pero nakakapagtaka naman dahil kapapalit ko pa lang ng gulong bago kami nag-biyahe. Mahinang klase lang talaga siguro ang inilagay ko, sabi ko na lang sa sarili ko. Tumingin naman ako sa paligid at mukhang malabong makahingi kami ng tulong dahil puro puno lang ang nakikita ko at mukhang malayo pa ang mga bahay mula sa kinatitirikan namin. Nagtungo ako sa kabilang pinto ng sasakyan at kinatok si Martha. Binuksan naman niya ang bintana at dumungaw.

        "Flat 'yung dalawang gulong at mukhang malabong tumigil ang ulan," sabi ko na medyo pasigaw para marinig niya 'ko. Sobrang lakas kasi ng ulan na nakakabingi sa tainga.

        "Paano 'yan?" tanong niya. Kinuha niya ang kanyang telepono, "wala tayong mahihingan ng tulong dahil walang signal ang phone ko."

Hindi ko alam kung minamalas lang ako sa araw na ito o malas lang talaga ako. Napahawak na lang ako sa'king batok saka hinagod ang basa kong buhok. Pinatay ni Martha ang makina ng sasakyan saka kinuha ang susi at lumabas kaya pati siya ay nabasa na sa ulan. 

        "Anong ginagawa mo?" looking her with my two eyes full of wondering.

        "Ano pa nga ba? Malamang maligo na tayo sa ulan at maglakad na tayo papunta doon. Siguro naman may vulcanizing shop din tayong madadaanan."

        "Pero baka magka―"

        "Ayos lang ako ano ka ba," tapik pa niya sa'kin saka tinatanggal ang kanyang mga sandals. "Atsaka na-miss ko na rin ang ulan. Kaya keysa makunsumisyon ka dahil sa mga flat tire natin at sa nawawala mong telepeno," nameywang siya sa harapan ko, "i-enjoy na lang natin ang ulan."

        Hinawakan niya ang kamay ko atsaka patalon-talon siyang naglakad sa may gilid ng daan. Kahit na malamig na ang katawan ko ay damang-dama ko ang apoy na nagmumula sa kanyang palad. At ang mga ngiti ni Martha ay parang musika sa puso ko na nag-aalis ng lungkot at problema at sa mga pag-aalala.

        "Ang saya 'di ba?" 

        "Oo," sagot ko.

Naglakad pa kami ng diretso sa daan, magkawak-kamay, kapwa basa sa tubig na buhos ng langit at parehong masaya. I know her smiles and it is clear to me. At isa pa, hindi naman ako tanga at manhid para hindi maramdaman na hindi niya ako gusto. I know she likes me but...

        Sabrina? Kasal ka na kay Sabrina, 'di ba? Panenermon ng utak ko na tama naman ang sinasabi. Kasal na ako at alam kong mali ang ginagawa kong ito. Ayaw ko namang iwasan si Martha o sabihin sa kanyang 'wag na niyang hawakan ang mga kamay ko o 'wag na niya akong kausapin at mahina ako sa tukso dahil alam kong masasaktan siya. Anong gagawin ko?

        Pagkatapos ng ilang minuto naming paglalakad ay nakarating kami sa isang hotel at gilid nito ay may convenient store na kung saan ay nagbebenta rin ng mga damit.

       "All in one place," nasabi ni Martha.

When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon