Maaliwalas sa paningin ang maliit na sala ng cabin na may dalawang sofa at maliit na mesa sa gitna. At sa may dingding naman ay nakadikit ang 32 inches na flatscreen TV at sa gilid ay may player kasama ang ilang bagong DVD's. Sa kabila ng dibisyon ng cabin ay naroon ang kusina na may square na mesa at may dalawang upuan at sa gitna nito ay may vase kung saan nakalagay ang mga sariwang tulips. Sa dulo naman ng maliit na pasilyo ay may isang pinto na sa palagay ko ay iyon na ang kwarto.
Lumalangitngit ang makinis na sahig na kahoy sa'king paglakad habang buhat si Sabrina. Kapwa kami bumungisngis dahil sa tunog because we think it's cute. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ay nalanghap namin ang malinis na amoy ng citrus na malamang ay scent ng sabon o detergent na pinanglinis sa buong bahay na nakulob dito sa loob ng silid.
Maluwang ang kwarto, mas maluwang pa nga sa sala. Sa bandang kaliwa namin ay nakapwesto ang king-sized na kama na ang bedsheet ay pula. Bukas ang dalawang lampshade sa magkabilang bedside ng kama kung saan nakapatong ang mga ito kaya kitang-kita namin ang buong istraktura ng kwarto. May dalawang pinto sa bandang kanan namin; ang isa ay para sa banyo at ang isa ay para sa walk-in closet na hindi ganoon kalaki.
Dahan-dahang kong inihiga si Sabrina sa may kama. Inalalayan ko ang kanyang ulo as if the soft mattress will hurt her. Nakatukod ang aking kaliwang siko malapit sa kanyang kanang balikat habang sapo ko sa'king kamay ang aking ulo at nakatingin akong diretso sa kanyang mga mata na punong-puno ng pagkamangha sa kanyang kagandahan.
"Hindi ka ba nananawa sa mukha ko? Palagi ka na lang ganyan. Nakatingin sa'kin pero walang sasabihin basta ka na lang nakangiti. At saka kung nakakatunaw lang ang pagtitig matagal na 'kong nabura sa mundo."
"Hindi," pagmamalaki kong sagot. "I'll never get tired of loving," hinalikan ko siya sa tip ng kanyang matangos na ilong, "caring," sunod naman ay sa kanyang noo, "understanding," pagkuwa'y sa kanyang baba, "and staring at you," I pause, "forever, kahit na puno ka na ng wrinckles pagtanda natin. We will be forever young in our hearts and forever in love," and finally I kiss her soft red lips.
"Talaga palang may advantage ang mga writers na lalaki pagdating sa pambobola 'no?"
Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kanyang kaliwang palad. Damang-dama ko ang kanyang init ng pagmamahal sa kanyang palad na punong-puno ng lugod ang paghaplos.
"Hindi ako nambobola. Lahat ng sinasabi ko sa'yo galing sa puso at kaluluwa ko, at alam mo 'yan," malambing at kalmadong-kalmado ang boses ko at punong-puno ng sinseridad at alam kong naniniwala si Sabrina.
"I know," saka siya nagkibit-balikat. "It's just I wanna hear it again and again because the way you say and deliver the words from your heart," she pause, "they're not just filled with love," ngumiti siya, "but also with life and handsomeness."
For a moment we stare each other. Then I found myself pushing my lips into hers. Kissing her passionately, tender and full of affection. Suddenly the kiss become hunger, demanding, intense and aggresive like it's like a drug that I forthwith lose myself. But how can I stop on kissing her when she is responding constantly? But why would I stop? We're here for this, I tell myself then I continue on kissing her down to her neck.
Naramdaman kong may pagtutol mula sa kanya makaraang ang ilang sandali kaya ako nag-angat mula sa kanyang katawan na naghahabol ng hininga at maging ako ay naubusan ng hangin sa loob ng aking mga baga dahil sa sensasyon na aming ginawa.
"Not too fast, Emerson Hansen," tawag niya sa buo kong pangalan. "Shower muna 'ko, pwede?" Mas mahina pa sa bulong ang boses niya na para bang may ginagawa kaming hindi maganda. But I like it, she sounds seductive. Nginitian ko lang siya saka nag-angat na 'ko ng tuluyan sa kama at tumayo sa harap.
BINABASA MO ANG
When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]
Tajemnica / ThrillerNagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli...