Ibinaba ni Axon ang dyaryong kanyang binabasa saka humigop ng kanyang kapeng mukhang medyo malamig na dahil sa paghihintay sa'kin dito sa isang coffee shop sa may Trinoma. Tama lang ang pangangatawan niya at ang kanyang height na bumabagay sa kanyang trabaho. Maiitim ang kanyang mga mata na kapwa inosente na sa palagay ko ay advantage niya sa kanyang trabaho.
Magaspang ang kanyang kamay nang tumayo siya at ialok ang kanyang kamay sa'kin na tinanggap ko naman agad. Pagkatapos ay naubo na kami saka nag-order din ako ng kape para sa'kin.
"Emerson Hansen," ngumiti siya. "Sikat ka sa buong bansa dahil sa mga nobelang isinusulat mo."
"Thanks for the compliment but I don't want to talk about my writing abilities," I leaned on the table and look him in the eye. "Why I should trust you?" Agad kong tanong, "no offense."
"Non taken," mabilis niyang responda."Because you're deperate," he answered to my first question. Umayos siya ng sandal sa upuan saka pinag-ekis ang mga kamay. "I can see it in your eyes and I can feel it."
"You're right, I am." I backed off and patted my back on the chair.
" So tell me about Sabrina. Kailangan ko ang lahat ng details; lugar, pangalan, oras, date at lahat-lahat ng makakatulong sa'kin mapabilis ang trabahong 'to."
Bago pa ako makapagsalita ay dumating na ang waiter at isinerved ang kape ko. agpasalamat ako sa waiter at humigop ako ng kaunti bago na ako nagsimulang mag-kwento tungkol sa nangyari. Sinabi ko ang lahat ng mga nangyari pati ang araw ng kasal namin ni Sabrina; Pangalan ng resort sa Bataan at mga empleyado; The familiar fallen angel; pati 'yung pag-iiba ng pangalan ni Drew; Oras ng paggising ko nang mapansin kong wala si Sabrina; mga lugar na pwedeng puntahan niya at ang lahat-lahat na pati ang dipresyon na dumarating sa'kin ngayon.
Nang matapos ko nang sabihin ang lahat ay tinitigan niya 'ko na para bang may mali. Klase ng titig ng gaya ng kay Lola Iska sa panaginip ko.
"I must say na kakaiba ang kaso mo Mr.Hansen sa lahat ng kasong nahawakan ko. Every now and then tatawagan kita kung may kailangan pa 'kong malaman."
Akma na siyang tatayo nang pigilan ko siya. "Where you going?" nagtatakang tanong ko.
"Aalis na at hahanapin na si Sabrina. Now I have all of the details ay makakapag-umpisa na 'ko sa trabaho ko. Atsaka I don't want wasting my time."
Kumunot ang noo ko. "Hindi natin pag-uusapan ang bayad mo?"
"Hindi," umiling siya. "Saka na natin pag-usapan kapag malapit ng matapos ang trabaho ko.'Wag kang mag-alala dahil kahit hindi mo pa 'ko masyadong pinagkakatiwalaan ay kaya kong hanapin si Sabrina." Iyon lang saka na siya tumalikod sa'kin paalis ng coffee shop. Iniwan niya akong natutulala at nag-iisip sa totoong motibo niya. Actually I find a little weird but I must hope that he is capable on finding Sabrina.
* * *
Kay bilis ng pagtibok ng puso ko habang ang mga baga ko ay naghahabol ng hangin nang mag-angat ako ng ulo mula sa harap ng monitor. Nakaidlip pala 'ko habang sinusubukan kong gumawa ng bagong manuscipt. Isang bangungot na naman ang napanaginipan ko tungkol kay Sabrina. Gaya ng dati ay humihingi siya ng tulong pero hindi ko siya matulungan kahit anong gawin ko. Malapit lang kami sa isa't-isa pero parang ang pagitan namin ay milya-milya. Nasaan na nga ba siya? Ilang beses ko nang itinanong ito sa sarili ko pero wala pa rin akong makuha o maisip na sagot.
Limang araw na ang nakalipas nang sinimulan ni Axon ang trabaho at ni isang balita ay wala pa rin mula sa kanya.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. Binalikan ko sa isip ko ang mga nangyari kahapon maghapon. Ginugol ko ang maghapon ko kahapon sa pagbalik sa nakaraang inakala kong makakatulong para mahanap si Sabrina. Binalikan ko ang simbahan sa Quezon Avenue kung saan kami ikinasal noong November 13 pero nabigo ako dahil wala daw ikinasal noong araw na iyon. Pagkatapos ng simbahan ay nagpunta ako sa Fernwood Gardens kung saan namin idinaos ang reception at hindi ko na ikinagulat ang sagot nila sa'kin na wala daw akong reservation na ib-in-ooked doon ng araw na iyon. Binalikan ko din lahat ng mga posibleng lugar na puntahan ni Sabrina na sinabi ko din kay Axon pero wala din talaga silang kilalang Sabrina.
![](https://img.wattpad.com/cover/17939229-288-k10945.jpg)
BINABASA MO ANG
When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]
Misterio / SuspensoNagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli...