Chapter | Thirteen

306 16 10
                                    

        Medyo nakauwang ang pinto nang mahanap ko ang kwarto namin. Siguro ay iniwan talagang ganito ni Martha para makapasok ako. Kumutok muna ako ng ilang beses para makasiguradong ito nga ang kwarto namin ni Martha pero walang sumasagot kaya pumasok na nang dire-diretso. Tama lang ang kwarto na may malaking kama kung saan may puting kubri at kumot at apat na unan at sa gilid nito ay isang malaki ding sofa at sa tapat ay may malaking flatscreen na TV at iilang mga DVD sa gilid at mga magazine. 

        Naalala ko tuloy ang itsura at amoy ng naging cabin namin ni Sabrina sa Bataan kung saan siya nawala. Kung saan hanggang ngayon ay nakahukay at naiwan pa rin doon ang kalahati ng puso ko. 

        Dahan-dahang akong naglakad sa kulay pulang carpet ng malamig na kwarto habang tinatawag ang pangalan ni Martha pero nakailang tawag na 'ko ay wala pa ring sumasagot. Naglakad pa ako ng kaunti at sinalubong ako ni Martha na ang tanging suot lang ay ang kanyang basang bra at panty. Kaagad akong napatalikod mula sa kanya.

        Hindi ko alam kung inaakit ba niya ako o sadyang may malisya lang talaga ang utak ko. Iniabot ko ang dala kong supot sa kanya. "May mga damit ka na diyan pati p-panloob," abot ko sa kanya pero nakatalikod pa din at iniiwasang makita ang kanyang hubad na katawan.

        Naririnig ko ang mahina niyang hagikgik mula sa'king likuran habang kinukuha ang plastic mula sa'king kamay. "Ang dami mo namang pinamili?" tanong niya habang nakatingala at ang isang kamay ang nakapameywang. 

        Hindi ba siya nahihiya na binabandera niya ang katawan niya sa'kin? tanong ko sa isip ko. Napapikit ako at pilit pa ring iniwasang tingnan ang katawan ng isang Eva na alam kong handang magpalapa sa'kin. Pero hindi ako isang buwaya o leon.

        Gustong-gusto mo naman? Sunggaban mo na, bulong ng kabilang isip ko na unti-unti akong nilalason.

        "Alam mo bang dati pangarap kong maging model," malamig ang boses ni Martha habang sinasabi ang mga linyang iyon mula sa'king likuran. Narinig ko rin ang pagpilantik ng strap ng bra niya sa kanyang balat habang inaalis niya ito. "Maliligo muna ako para hindi ako magkasakit. Dapat ikaw din Emerson..." 

        Her voice is very seductive and so hard to resist like her body. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo at ang mahina niyang pagkanta mula sa banyo sa'king kaliwa at ang kalahati ng katawan ko ay nagsusumigaw na sumunod na ako sa loob ng banyo at samahan na si Martha sa pagligo sa hot shower pero malakas pa rin ang hawak ko sa'king tunay na pagkalalaki.

        Why is she doing this to me? Ano ba talagang kailangan niya sa'kin? Hanggang kailan ako makakapagpigil sa tukso? Paano kung... paano kung bumigay ako?

        Hindi pwede!

Lumabas ako ng kwarto na impit ang aking paghinga sa pagpipigil sa sarili ko. Unti-unting nabubuhay ang halimaw sa loob ng pantalon ko at unti-unti rin nitong nilalason ang utak ko na nagsusumigaw na pumasok na 'ko sa loob at sunggaban ko na si Martha na tutal naman ay kusang ibanabato ang sarili sa'king mga bisig.

        Hindi!

        Bumaba ako sa may bar na malapit sa hotel at um-order ng ilang shot ng alak. Kailangan ko na lang sigurong uminom ng marami para pagdating ko sa kwarto ay pagtulog ko na lang ang poproblemahin ko. Naupo ako sa may bar counter at humingi ng ilang shot ng tequila. Pagkatapos ng limang kopita ay naramdaman ko na ang pag-ikot ng mundo.

        Bumalik na ako sa taas. Patay ang ilaw at madilim ang buong kwarto at ang kandilang nasa may bintana ang nagbibigay liwanag sa buong paligid nang maka-akyat ako. Naamoy ko ang mabangong amoy ng potpourri sa buong paligid nang tuluyan akong makapasok sa loob. Nakaupo sa may upuan si Martha habang may hawak na baso ng alak at nakatingin sa'kin ng matalim.

        "Are you avoiding me?" diretshang tanong niya. "May ginawa ba 'kong mali?" tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa'kin. Binitawan niya ang kanyang baso sa may mesa atsaka lumapit nang mas malapit sa malapit sa'kin. I can smell her breath and I can feel her body that is so warm. Kumapit siya aking batok at hinaplos ang aking mga pisngi.

        "Wha.. what do you want?" pabulong kong tanong. Suddenly I feel like I can't breath and my heart started pounding. "What do you want with me Martha?"

        "I..." mas lalo pa niyang inilapit ang kanyang mukha sa'king mukha. "...want..." her voice is not a whisper anymore... it's like a drug, "you Emerson," she push her lips to mine. Napatigagal lang ako at hindi ko alam ang gagawin o sasabihin. It's like I'm losing myself and I don't care what happens next.

        I kiss her back and the next thing I know... is we are doing the thing that I've been trying to avoid all night.

*        *        *

        Tahimik lang kaming pareho ni Martha habang nasa loob ng sasakyan pabalik ng Maynila kinabukasan. She's trying to make a conversation but I just simply answers yes or no. Parang sa parte niya ay wala lang na nawala niya ang kabirhenan niya sa'kin samantalang sa'kin ay napakalaking bagay ng nangyari sa'min. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan pero pakiramdam ko ay nagtaksil na rin ako kay Sabrina. Nagtaksil ako sa babaeng pinakamamahal ko. 

        Inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng building ng condo ni Martha. Kinuha niya ang kanyang bag saka ipinatong sa kanyang binti, bumaling siya sa'kin at itinanong, "galit ka ba?"

        "No," I told her full of conviction. "It's just..." I can't blurt it out. "Awkward?" iyon ba ang tamang term?

        Napahagikgik siya ng mahina hanggang sa namula ang kanyang buong mukha. "Ano ka ba? It's wonderful and I'm glad that you are my first."

        "Martha..."

        "Don't think about it anymore, okay?," she hold my arms and smile. "I'm so glad you introduce me into a world where I can be more me."

        I smiled at her and this time I was the one who kiss her lips. Kinulong ko ang kanyang buong mukha sa'king dalawang palad at makaraang ang ilang sandali ay pinakawalan ko rin ito. Naupo ako ng maayos sa driver's seat at ilang beses na napalunok.

        "A...a...I'm so sorry."

        "Stop saying sorry Emerson, okay?" kinuha niya ang kanyang bag saka na bumaba. Bumaba rin ako at inilabas ang kanyang isa pang bag mula sa trunk. Inihatid ko siya sa may lobby at nagpaalam na sa kanya.

        Nang makabalik na ako sa sasakyan ay napansin ko na lang na napapangiti ako sa'king sarili sa hindi ko malamang kadahilanan. 'Yung pakiramdam na parang kinikilig ka na ayaw mo lang aminin sa sarili mo? Parang ganito rin ang pakiramdamko noong mahalin ko si Sabrina.

        Oh shit!

        This can't be!

    

When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon