Simula

1.4K 15 0
                                    

Simula

Kagat-kagat ko ang ballpen ko habang pinagmamasdan ang Math problem dito sa notebook ko.

Kung gawin ko na lang kaya ito sa bahay? Hindi pwede. Andun ang mga ungas, at alam kong hindi naman ako makakapagfocus.

Muli kong pinagmasdan ang mga numero. Parang may anghel na umawit nang makuha ko sa wakas ang tamang sagot! Umiling ko at kinuha ang ballpen sa bibig, nagsimula na akong magsulat pero agad ding nawala ang focus ko nang may tumama na nilukot na papel sa ulo ko. Shit!

Nagtitimpi kong nilingon ang katabi ko. She grinned and throw a paper to my face again. Sa pagkakataong ito, asar na asar na ako.

"Ano bang problema mo?!" isinigaw ko na ang mga salitang ito. Lumapad lang ang ngisi niya. Is she crazy?! Bakit tuwang tuwa siya pag nagagalit ako?!

"Ikaw ang problema ko Cairo! Gusto kita." padabog niya ulit na pinunit ang isang page sa notebook niya at itinapon ulit sa mukha ko. Kinuyom ko ang kamao, at bago ko pa siya mabugahan ng apoy ay kumaripas na siya ng takbo, palabas sa room. Napailing na lang ako.
Is she a kid?

"You're here buddy!" Rios is smoking, tanaw na tanaw ko siya galing sa tree house na kami mismo ang gumawa. 'Yan daw ang patunay na Engineer kami, kahit nasa ikalawang taon pa lang naman kami.

"Yeah. Nakapagluto na?" tanong ko, ngumisi siya at itinapon kung saan ang upos ng sigarilyo. Nakita ko siyang mabilis na naglalakad pababa sa hagdan.

Inakbayan niya ako agad napailing na lang ako.

"Si Kid ang nagluto and Thadeus helped him." the idiot grinned.

Nakalimutan ata ni Rios na hindi marunong magluto ang dalawa. Shit!
"Re. Di mo ba alam o sadyang natatamad ka nanaman magluto? Today is friday at schedule mo para magluto. And Kid? Shit, mumurderin lang no'n ang pagkain." sabi ko sa pinsan. Humagalpak siya sa tawa.

"You don't look like a pig bud, pero bakit masyado mong pinoproblema ang kakainin natin ngayong gabi? We can order food for us. Hayaan mo silang kainin niluto nila," kibit balikat niyang sabi bago ako nilayuan at nagtungo na ulit sa tree house. Napailing na lang ako at nagtungo na sa loob bahay.

Sinalubong ako ng mabangong amoy ng sinigang. Nakakapagluto na ang dalawa?! Miracle ba ito? Or youtube helped them out? Wait. I heard girl's laugh.

"Tadd? Kid?" tawag ko habang nilalapag ang gamit sa kabinet malapit sa pinto, inalis ko na din ang suot na sapatos at inilagay sa ilalim, kung saan nakalagay ang ilan pang sapatos o tsinelas na ginagamit naming magpipinsan.

"Cairo!" tumatawa si Kid nang naabutan kong palabas ng kusina. Kumunot ang noo ko dahil sa babaeng lumabas galing din sa kusina. The TV is on, pinatay ko lang para mas marinig ang paliwanag ng pinsan kong ito.

Isa sa house rule namin na huwag na huwag magdadala o mag-uuwi ng babae dito. Para hindi kami patayin ni Lola Dolores! Sabi niya sa amin, if the other Mondelvalles are playboys, dapat daw kami hindi. Well, apparently, being a playboy runs in our bloods. At hindi na namin kailangan mag-effort. Kami ang nilalapitan, though take me out of a picture, I may not be a virgin or a very good man. Pero kahit kailan hindi ko naging hilig o hindi ko kailanman ginawa ang magpaiyak o manloko ng babae.

I am not like Rios or Tadd, sila lang ang ganoon. Well Kid is also a player, napatunayan ko ngayon kasi may kasama siyang babae.

"Kid, rule number one?" patanong kong paalala sa pinsan. Ngumisi siya at nagkibit balikat. Lola Dolores will curse us for sure. Ngayon pa lang naiisip ko na ang posibleng linya niya.

'Yung ibang pinsan ni'yo sa side ng Lolo ni'yo, hayun at nagpapaiyak ng kung sino-sinong babae, tapos kayo ganun din? Hindi ba napag-usapan na natin ito?! Girls are dolls, and real men dont play dolls!

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now