Kabanata 3

420 9 0
                                    

Kabanata 3
Smiles

"Kamusta pool party Re?" salubong sa akin ni Tadd nang nakapasok ako sa bahay. Nakangisi ito ng nakakaloko, at naiinis ako sa klase ng ngiti niya.

Parang may alam e.

"Tumawag sa akin si Tam." ani Rios, tinakpan agad ni Kid ang bibig ng dadaerong si Rios, pero wala na silang magagawa, nakalabas na sa bibig ni Rios.

Isa pa...kahit banggitin naman 'yun ni Rios, 'di naman bigdeal sa akin. She's not special, she's just like my admirers.

Admirer, kasi may itsura siya. Aaminin ko, maganda siya. Pero hanggang doon lang 'yun.

"Ang hina naman ng Mondelvalleng ito." iling ni Tadd inaasar lang ako, lalagpasan ko na lang, kailangan ko pa ng pahinga at tulog.

"Teka Re. Bumyahe kang suot 'yang damit ni Tam?"

Napatitig agad ako sa suot na damit. Letche! Bakit suot ko pa din 'to?!

Halakhakan ang kasunod na narinig ko bago ako magtungo sa kwarto at pumikit. Bahala na nga sila mag ingay basta ako...matutulog!

Pabagsak akong nahiga at hinila agad ng antok. Nagising na lang ako kasi ang ingay nanaman sa loob. Pinakatitigan ko ang buong silid, nagkakalat ang mga ungas! Tiningala ko ang orasan, alas dose.

"Hey. Ba't dito kayo nag-iingay ah?" sasawayin ko sana, pero dahil sa pagod ko ay mababa pa din ang boses ko.

"Maligo ka na, at magpalit, napapamahal yata sa'yo 'yang damit ni Tam ah." nanunukso nanaman si Rios at tinapunan ako ng unan.

"Bakit ba? Saan nanaman ba lakad natin?" tanong ko sakanya, bumangon na at ginulo ang buhok.

Nakapikit pa ako habang ginugulo ang buhok, naghihikab, antok na antok.

"Nagparty-party kayo kagabi ng teamates mo. Tayo-tayo naman ngayon Re." nakangisi si Kid habang sinasabi 'yun lahat sila nakasuot ng hawaiian na polo shirt, pare-pareho pa ang mga kulay!

Ano bang tumatakbo sa mga utak ng mga ito? Bakit parang lumuluwang ang mga tornilyo sa utak?

"Ba't ganyan suot niyo?" tinuro ko pa ang mga suot nila. Ang sakit sa mata.

"Uso 'to Re. Outdated ka na masyado. Ayan o! Magbihis ka, pag 'yan hindi mo sinuot iisipin ko na mas gusto mo ang hello kitty kaysa sa hawaiian!" nag-apir pa si Rios at Tadd.

Napailing na lang ako, bumangon na at pinulot ang hawaiian shirt, ano pa nga bang magagawa ko? Eh trip nanaman nila. Tss.

Nagpa-book kami sa Uber patungo sa malapit na resort. Panay ang kuha ng litrato ni Rios sa aming apat, ipopost niya daw sa public accounts niya. Nakakabaliw. Pakiramdam ko puro simangot ang mukha ko sa pictures.

"Para tayong magmimayor." buti napansin din sa wakas ni Rios. "Pero hot pa din." tawa niya at binuksan ang mga butones at inilabas ang katawan niya.

Rios has soft features, tipong akala mo hindi gagawa ng masama, kulot ng bahagya ang buhok, parang foreigner, well, half Canadian nga pala ang Mom niya kaya siguro ganyan ang buhok niya. Lagpas anim na talampakan din ang height, kasa-kasama ko sa pag-gigym kaya hindi naman masasabing pangit ang katawan.

Kid has dark features na parang namana pa sa iba pa naming pinsan. Lagi din siyang nakangiti, akala mo laging tatakbo sa politika, maganda din ang tindig at matangkad din, pero mas matangkad si Rios sakanya.

Habang si Tadd naman ang pinakamukhang babaero, ang mga mata niya ay maliliit, maputi siya at pag binibilad ay namumula lamang, parang babae, matangkad din katulad ni Rios at hindi din padadaig ang katawan, maiksi lang buhok niya, na mas bumabagay sa kanya.

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now