Kabanata 9

321 5 0
                                    

Kabanata 9
Smile

"Pauwi ka na?" nakasalubong ko ang isang babae, hindi siya pamilyar kaya nilagpasan ko na lang siya.

"Hey! Cairo Eleazar! Wala man lang bang thank you? Ako naghatid sa'yo dito." nakasunod pa din siya, nakunot noo ko.

"Who are you? Magkakilala ba tayo?" tanong ko, humarap na sakanya. Laglag ang panga niya habang pinagmamasdan ako.

Saka lang nag-sink in sa utak ko, na ito nga pala ang babae sa clinic.

"Oh my god Cairo!" nakukunot ang noo niya, pero halata na natutuwa siya.

"Sorry, Magi. Sobrang preoccupied lang talaga ako."

"Preoccupied kasi hiniwalayan ka?" nagcross arms siya, pansin ko ang paglabas ng cleavage niya.

Ibang-iba siya manamit sa kay Tam. Tam's clothes are so simple, koreana-style. While Magi, she obviously loves wearing revealing dresses. It suits her, actually.

"Hindi niya ako hiniwalayan." bother na bother ako, dahil sa sinabi niya.

Naglakad na lang ako at agad din itong sumunod.

"E bakit ganun," parang gulong-gulo siya.

"Nakinig ka sa pinag-usapan namin?" hindi ako gulat, tunog galit pa nga ata ako. Of course , I'll be mad. Sino bang hindi magagalit sa ginawa niya? She invades our privacy. Law student siya, dapat alam niya 'yon.

"Sorry Eleazar. Hindi ko na napigilan pang hindi makinig e. Pero promise, 'di ko ipagkakalat na busted ka." aniya, nakangisi pero agad 'ding kinagat ang pang ibabang labi niya.

"Shut up." mariin kong sabi, bago siya nilagpasan ulit. Lalabas na ako , diretsyo na ako sa School. Hindi alam nila Rios na lalabas ako agad sa Ospital.

Isa pa, anong gagawin ko dito? Magmumukmok? No way. Man up nga di'ba?

"Tingin ko, may hawig ka'yo nung babae. I mean, pareho kayo ng ilong." walang sense niyang sabi, napailing na lang ako.

"Nga pala Eleazar. Nakita ko siya kanina dito sa may chapel. Umiiyak, nagdadasal siguro..." tuloy-tuloy pa din ang kwento niya, pero agad din akong nabahala dahil nabanggit niya ang 'siya'.

"Si Tam?" tanong ko, tumigil sa paglalakad at hinarap siya.

Tumango-tango siya.
"Narinig kong sabi niya, 'sorry, sorry' , paulit-ulit."

"Asaan na?" tanong ko pa.

"Hmm...umalis na, kanina pa. May sumundo sakanya e, lalaki. Sobrang pogi. Hindi naman 'yon nag-aaral sa School natin, kilala ko kasi halos lahat ng estudyante doon." she giggled.

Lalaki? Sino namang susundo sa kay Tam? Kaya ba niya ako nilalayuan kasi may iba siyang gusto?

"Pero, ayos lang 'yan Eleazar. Mas pogi ka naman do'n." at hinampas niya pa ako ng hindi kalakasan sa braso ko.

"Tara, sa ministop muna tayo. Ako bahala," aniya at mabilis na akong hinigit, nagpahila naman ako.

Narating namin ang ministop at pumili siya agad ng mga gusto niyang kainin.

Tuwang-tuwa siya dahil magkasama daw kaming kumain. Ang dami niyang kwento na hindi ko na halos pa matandaan at maintindihan. Isa lang ang pumapasok sa isipan ko, kung kamusta na si Tam.

I want her to be safe, no matter what.

Kahit ilang rejections pa 'yan. Kahit nasaktan na niya ako ng sobra. Gusto ko pa din na safe siya.

"Magi, may dala ka bang auto?"

"Meron, kaso may kasama akong Driver. Mag— oh my god! Oh my god! 'Yung nang busted sa'yo, ayon o!"

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now