Kabanata 24

292 7 0
                                    

Chapter 24
Forever

"W-what do you mean?" tanong ni Mommy Julia kay Daddy, he looked at Mommy Julia, and then to me.

"Sorry." he started. "I'm sorry for using you Tamiah, sorry kung sinaktan ko kayo ng anak ko. I j-just want my w-wife to be happy."

And from what he said, natulala na lang ako. Maingay ang buong paligid dahil sa mga hagulgol ni Mommy, sa mga mura na ibinabato niya kay Daddy, lahat ng mga sinasabi nila hindi na nag-sink in sa utak ko. Tumutulo lang ang mga luha ko, hindi alam kung paano pipigilan ang sarili sa pag-iyak.

I feel empty dahil sa nalaman.

Paano niya kami napaniwala sa lahat ng kasinungalingan niya?!

We suffered a lot!

Gusto ko sanang bigyan ng tinig lahat ng hinanakit ko, pero hindi ko magawa. Hinang-hina ako, ramdam ko na ang malamig na sahig sa tuhod ko.

Nakikita ko ang mga mukha nila Rios sa paligid, pero hindi ko nararamdaman ang mga kamay nilang humahawak o mga sinasabi nila.

All I can hear is Cairo's voice, laughters, cries, and everything about him. His eyes, his arms, his hands. Lahat.

Pumikit ako at hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari. I woke up inside of the dark room. Ayokong bumangon dahil hindi ko maramdaman ang sariling katawan. Pinilit ko na lang ulit na pumikit, at hinila agad ako ng antok at pagod na makatulog na.

Ramdam ko ang sinag ng araw sa mukha ko, unti-unti ay idinilat ko ang mga mata ko.

Iginilid ko ang ulo dahil masakit sa mata ang sinag ng araw. Pagdilat ko sa ikalawang pagkakataon, nakita ko agad si Cairo. He's looking at me like a sad puppy, but when he saw me, bigla na lang gumuhit ang saya sa mukha niya.

"Are you okay?" he asked, naupo na sa gilid ng kama ko. I nodded.

"Ikaw?" tanong ko medyo namamaos.

"Ayos naman, tagal mong tulog. Almost 2 days." ngumisi siya. Bumibigat na agad ang pakiramdam ko. I saw a different Cairo in front of me, like he's not my Cairo.

I hold his hands.
"Cairo," tawag ko nabasag na agad ang boses. Gusto pang kumawala ng mga luha ko.

Tinignan niya ang kamay kong nasa kamay niya.

"Do you remember me?" I asked, namimiyok na, bakit ko ba siya tinatanong ng ganito? I'm just hurting myself.

Ngumisi siya, pinisil ang pisngi ko.
"Who wouldn't remember such a cute lady like you? I missed you." sabi niya at bigla akong niyakap. "I missed you so much Kaila." he said.

Pumikit ako ng mariin, humagulgol, hindi siya kayang yakapin pabalik.

This is the consequences. Hindi na niya ako kilala bilang Tam, he knew me as Kaila. He even acts like a kid. Ramdam ko ang malaking pagbabago, pero sinabi ko sa sarili ko na he's just sick kaya sinasabi niya ang mga ito ngayon. Pero hindi ko siya susukuan, whatever happens, I'm still yours Cairo.

Nakalabas na ako ng ospital nung araw din na 'yon. Nanatili ako sa bahay sa Pangasinan, after Mommy knew what really happen, ayaw na niya akong pabalikin sa Maynila. Para saan pa raw ang pagpunta ko roon? Kung karamihan ng tao doon ay sinungaling.

Aniya'y "Ayokong napapalibutan ka ng mga taong sinungaling! Sinaktan ka ng ilang ulit ng mga taong 'yun tapos babalik ka pa?!"

She will never understand me. Hindi niya maiintindihan na sobra kong mahal si Cairo, na kaya kong tiisin lahat ng sakit, lahat, makasama lang siya.

"Sige, umalis ka! Huwag ka ng babalik, pag ikaw nasaktan. I will not shelter you!" sigaw niya sa akin, she's at her terrace, ako naman palabas na ng bahay.

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now