Kabanata 5

390 11 0
                                    

Kabanata 5
Date

"Fourth year na!" tumalon si Rios sa kama. Bukas enrollment nanaman, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang third year pa lang kami, ngayon nasa fourth year na kami.

Sobrang bilis ba ng panahon dahil hindi na ako kinausap ulit ni Tam, simula nung gabing 'yon? O mabilis ang panahon dahil wala nang nangungulit sa akin, at wala ng maingay?

Pabagsak akong nahiga. Sa isang taon na nagdaan, lagi niya lang akong nilalagpasan sa hallway o kahit saan ko man siya makasalubong. Nakikita ko siyang kasama si Rios, at madalas ko ding naitatapon ang hawak ko dahil doon. Mapa-bola pa 'yan, inumin, o baso.

Nakakainis!

Pinikit ko ang mga mata ko. Isang taon, tahimik ang mundo ko, pero napakaboring. 

At kahit magtangka ako na kausapin siya tulad nang mga pagtatanong ko, ay ngumingiti lang siya, hindi man lang umaabot sa mata niya ang ngiti niya. Halatang peke.

"Hey Tam, would you like to be my partner? Um, sa reporting?" tanong ko sakanya. (Nung araw na 'yon)

"Hindi na. Kami na kasi ni Shade." nakangiti niyang sambit. Tila kilig na kilig.

At dahil sa reporting na 'yon. Lagi na silang magkasama nung Shade na 'yun. At nabalitaan ko din na nanliligaw 'yun sakanya. Naiinis ako, pero wala akong karapatan magalit di'ba ?

At dahil nga may iba na siyang gusto , which is Shade. Ay hindi na nga ako dumikit pa sakanya. Hindi ko na din siya tinignan. Ayoko nang magbakasakali.

Ayaw na niya sa akin.

I open my eyes, dahil sa pagtunog ng phone ko. May nagchat sa messenger.

Kunot noo ako, pero gumuhit din ang ngiti ko.

See latest update.

Clinick ko at pinalitan niya nickname ko into Bebeboy, chat colors and emoji. Natawa ako kasi ang kulit niya. Pero panay lang siya laro ng basketball at everwing pero hindi siya nagchachat.

Hinayaan ko na lang. Tam. Bakit kumukulit ka bigla ?

Nagtipa ako ng chat, pero dinelete ko din, nagtipa ulit ako pero dinelete ko din. Pakiramdam ko, mali, wala sa timing, at illegal.

Kakausapin ko na lang bukas. Aabangan ko.

Pinikit ko ang mata ko, at hinayaan na magnotify ang messenger. Ayos lang na ako ang mabulabog sa tunog ng vibration at tunog ng notification, atleast ako, hindi ibang tao.

Nagising na lang ako na lowbat ang phone ko. Chinarge ko na lang at nagtungo na ako sa banyo para maligo. Napapangiti ako kahit walang rason.

Lumabas ako at kumuha na ng damit sa drawer ko. Isang poloshirt at khaki shorts, pati na din underwears syempre. Nagbihis na ako sa banyo at lumabas din agad, humarap sa salamin at nang hindi makuntento ay bumalik sa banyo para maghilamos ulit, magtoothbrush at lumabas na sa wakas.

Kinuha ko ang pabango at inispray sa katawan ko. Sinuklay ko ang buhok ko at bumaksak ang ilan sa noo ko dahil basa ito. Medyo nahahati sa gitna ang buhok ko, sumasabay sa uso.

Lumabas na ako ng kwarto at inabutan ko si Kid na abala sa pagluluto may book of recipe pa sa counter.

"Salamat." at kinuha ko na ang sandwich na ginawa niya, kinagatan ko ito bago ibinalik sa plato at naupo sa sofa, i get my brown topsider na binili pa ni Lola Dolores , sinuot ko na ito at tumayo na para balikan ang nakacharge kong phone at wallet.

Lumabas ulit ako ng kwarto at bago tuluyang sumibat ay humarap ako sa salamin, bahagyang ngumiti sa salamin at lumabas na ng tuluyan.

"Ang aga ng date mo Re." narinig kong sigaw ni Kid, papalabas na ako ng bahay. Hindi ko na lang pinatulan pa ang pang-aasar niya, kasi wala naman talagang date.

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now