Kabanata 1

711 6 0
                                    

Kabanata 1

Hawak ko ang gitara. Strumming the song Can't Help Falling In Love With You cover by Daniel Padilla. I hum once at napakanta na ako.

Ibinaba ko lang ang gitara nang mapansing may nakasilip sa bintana ng classroom. Kumaway ang classmate ko at pumasok din agad. Tumikhim ako bago ibinalik sa lalagyan ang gitara.

"Ang aga ah," aniya at naupo sa upuang nasa tabi ko lang, hindi naman masyadong tabi kasi may space pa din naman para daan ng iilang kaklase namin at prof.

"May practise ba kayo sa basketball?" tanong niya na hindi ko naman planong sagutin. Narinig ko na lang ang tawa niya, tunog ng pagbukas ang zipper ang kasunod nun, may inilabas siya sa bag niya at isa 'yung baunan.

"Breakfast. Nagluto kasi ako, tikman mo." aniya, hindi man lang ba niya naiisip na baka ayaw kong kumain ng agahan?
"Iwan ko na lang dito. May ilalagay lang ako sa locker." nakangisi niyang sabi at ibinaba na ang baunan sa harapan ko. Umalis din siya at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Tumayo na ako para itapon sa basurahan ang pagkaing gawa niya.

She should stop giving such effort, wala siyang mahuhuthot.

Mabilis na natapos ang araw, half day lang kami pag Sabado kaya 'yung halfday ay ginugugol ko sa practise sa Varsity. Ilang beses din akong napuri ng coach namin at pati ang Senior namin na siyang Captain. Nag aaya din silang pumunta daw ako sa pool party ng Captain namin, papunlakan ko na sana, pero nung tumunog ang cellphone ko at nalamang nasa bahay si Mommy ay tumanggi na ako sa team mates ko.

"Babawi ako," sabi ko sakanila. Tumango lang ang Captain namin bago tinap ang balikat ko.

"Bumawi ka talaga Cairo. Nakakatampo ka na," humalakhak siya. "Next time then?"

"Yeah. Next time, sensya na Senpai." natatawa kong sabi dito. Tumawa din siya at tinanguan na lang ako.

Mabilis kong hinagilap ang mga gamit ko at iniligay sa dala kong bag ang basa kong jersey. Lumabas din ako sa court at nakita ko doon ang classmate ko. Ngumisi siya. Kumunot ang noo ko. Ngumuso siya.

"Bakit ba lagi mo akong sinusupladuhan Cairo? Masama ba na crush kita?"

Ang kulit.

"Nagmamadali kasi ako," sabi ko na lang dito. Ginulo ko ang buhok ko at nilagpasan siya, pero bago pa ako tuluyang makalagpas sa kanya ay nahawakan naman niya ang palapulsuhan ko. Tinignan ko ang kamay niyang sa palapulsuhan ko, kita ko ang pag-ngisi niya, hindi man lang nahihiya na pinipigilan niya akong umalis.

Ako na ang humawi sa kamay niya, ngumuso siya ulit at bago pa siya makapagsalita ay umalis na ako. Bakit ang daming makulit na tao dito sa mundo?

Nasalubong ko ang ilang kakilala at bumati na din ako. Paglabas sa university ay nagpunta na ako sa sakayan ng Jeep pabalik sa bahay. Hindi gaanong siksikan , sinalpak ko ang dalawang earphones sa magkabilaan kong tenga.

Pumikit ako. Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin, hinayaan ko 'yon. Pero nung may kumuha ng isang earphones sa tenga ko ay napadilat ako ng mata.

Automatic na tinignan ko ang katabi ko. Ang classmate ko nanaman!

"Ang dami mong dala. Gitara, gym bag. Tulungan na kita." para siyang bata kung makakurap-kurap. Iniiwas ko ang tingin ko sakanya at hinayaan na lang na nasa tenga niya ang isa pang headset. Alam ko naman na kukunin niya lang 'yon kung babawiin ko.

Nararamdaman ko ang pagtili niya ng mahina , siguro dahil nagkakadikit ang mga balikat namin. Napailing na lang ako.

Kailan nga ulit ito nagsimulang mangulit? Ah, noong senior highschool kami. Pero magkaibang section kami, at hindi ako matandain sa pangalan kaya hanggang ngayon hindi ko alam ang pangalan niya.

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now