Kabanata 13

272 7 0
                                    

Kabanata 13
Destiny

"Sigurado ka ba?! Sigurado ka ba Kuya Ton, na si Kaila 'yan? Are you really sure?!"
Hindi pa din ako nauubusan ng pag-asa na mali ang research ng tao kong ito.

"Akala ko ba ikaw ang pinakamagaling sa larangang ito?!" my sight blurred of tears. Umiiling ako, nakakuyom ang kamao, galit pero nahihirapan dahil sa biglaang nalaman.

"Sir, hindi ako pwedeng magkamali. Bukod sa sinundan ko ang babaeng 'yan na nakipagkita sa Mommy mo, nagpaDNA test din ako without her consent,"

Inabot niya sa akin ang papel. Nanginginig ang kamay kong tinignan ang nakasulat. Possitive.

Gumuho na ang mundo ko kanina nung gusto niya akong lumayo, mas lalo lang gumuho ang mundo ko ngayon.

"Re, I told you, she's offlimits—"

"Alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.

"I'm sorry,"

Sa galit ko ay napatayo ako at nakwelyuhan siya.

Pansin ko ang pagtingin ng ilang tao dito sa loob ng Starbucks, though I don't care!

"Saksi ka sa bawat effort ko kay Tam, you are there when I'm hurt because of her, and all this damn time, na nababaliw ako kay Tam, alam mo?! Alam mong kapatid ko siya, and you didn't even warn me, o pigilan man lang ako? Pinsan ba talaga kita!" galit na galit ako.

"I warned you already pare, pero hindi ka nakinig, I told you before, kami nila Rios at Tad, sinabi naming tama na, pero you resume your stupid courting, hindi ka na mapigilan kaya—"

"Kaya hinayaan mo akong mahulog nang mahulog sa sarili kong kapatid?!" my voice broke at the realization.

Kapatid ko si Tam.
Kapatid ko ang babaeng mahal na mahal ko.

"No. Maghahire ako ulit ng bagong tao, may mali dito. She isn't Kaila,"

Tuloy tuloy ang iling ko, hindi maaari ito.

"Pare, tama na..." Kid stated, ang boses niya ay basag na basag.

Umiiling ako at nanghina, nabitawan ang pagkakakwelyo sakanya. Umatras ako at umalis sa harap nila.

Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta ngayon, hindi ko na maramdaman ang sarili kong hakbang, nanginginig ako, sobrang nasasaktan.

I heard beeped of autos pero hindi ko 'yun pinansin lahat, what's the sense of living? Masyado na akong trinaydor ng buhay na 'to. Hindi ko na alam kung may karapatan pa ba akong mabuhay, o maging masaya.

Siya ang unang babaeng nagparamdam sa akin kung gaano kasaya mabuhay, despite of anger and fear I'm feeling because of my past. Pinaramdam niya lahat ng magandang pakiramdam sa akin, and it's hard to accept that the girl I love the most, is my missing younger sister.

Gusto kong matawa, kasi iba maglaro ang tadhana. Gusto kong matawa, kasi hindi na dapat 'mapagbiro ang tadhana' ang tawag doon, kundi 'sakim ang tadhana' 'walang puso ang tadhana'.

I've been far from my parents for almost years because of my mistake, dahil naiwala ko si Kaila, pero ngayon, baka ako naman ang mawala.

"Magpapakamatay ka ba!" narinig ko ang sigaw ng isang babae sa gilid ko, hindi ko napansin na may humila na pala sa akin palayo sa kalsada.

"Who are you?" I asked this unfamiliar girl.

"Nakalimutan mo nanaman ako?! It's me Magi,"

Oh. "I'm sorry," hindi ko pa mahanap ang sarili ko ngayon.

"What happened?" I heard the sympathy in her voice.

"She's my sister Magi, the girl i love the most is my sister," acid drifted down my voice.

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now