Kabanata 15

272 5 0
                                    

[Shifting of POV will start from this Kabanata, Happy reading!]

Kabanata 15
Blood

"Ang pogi," humagikhik si Kelly matapos matanaw sa malayo si Cairo.

Ngumuso ako at pinakatitigan siya, sikat ito sa buong campus dahil magaling umawit, kasali sa varsity team, mayaman at higit sa lahat may itsura.

'Yon nga lang laging nakasimangot, parang laging uutangan ang itsura, parang laging galit.

Though, I find him attracting and mysterious.

Para sa akin kasi, ang mga lalaking suplado ang loyal, hindi lalandi, at hindi basta-bastang pumapatol.

Minsan na napadaan ako sa library ay nakita ko siyang nagbabasa ng libro, tahimik siya at seryosong-seryoso, pero napansin ko ang butil ng pawis sa noo at sintido niya kahit may aircon naman, sinilip kong mabuti kung ano ba talagang ginagawa niya.

And I saw him watching porn!

Nagulat ako kaya napatakbo ako ng 'di-oras para magsumbong sa kaibigan kong may crush sakanya, na-turn off si Kelly kay Cairo, ngiting tagumpay ako no'n.

But when he (Cairo) offered an umbrella to me, noong isang araw na umuulan, ay doon na nagsimula ang lahat ng kahibangan ko sakanya.

I start liking him from a far, I was Grade 8 when I learned to write love letters, isinasabay ko sa mga sulat ni Kelly, ang sulat ko para sakanya.

Grade 9, when I tried to manipulate our Registrar, kahit mababa grades ko ay nakapasok ako sa Class A, and that time, Kelly transfered at US kaya free na akong ipangalandakan sa lahat na crush ko si Cairo Eleazar Mondelvalle.

Walang ng hiya-hiya!

Pero, he's so snob and arrogant, kaya kahit anong paramdam ang gawin ko, wala siyang isinukli, ni-katiting na atensyon, wala. As in, wala!

Naisip ko nga noon na baka bading siya. But that's very impossible, so I continue my desire for him.

Grade 10, when I joined the band of our school, ako din ang naging batton leader ng School, akala ko mapapansin niya na ako, pero nganga.

Senior High School, magkatabi na lang classroom namin, hindi pa din nawawala pagkagusto ko sakanya.

Kahit madaming manliligaw, ay hindi ko pinapansin, kasi ako ay para kay Cairo lamang.

Until one time, bigla na lang nag-uusap na kami. Nagtatanungan, nagkakamustahan.

He's drunk when I brought him in our house. Ang saya nga ni Mommy noong nalaman na nagiging close na kami nung crush ko.

"Ano bang surname niyang crush mo at baka kakilala ko," pamimilit ni Mommy, isang araw.

"Basta Cairo! Huwag ka ng umepal pa Mommy, kaya ko na 'to, mapapasagot ko din siya ng matamis na oo," humagikhik ako, natawa lang si Mommy no'n.

I thought being close to him will be my greatest happiness, I was wrong, because...being too close with him will pull me to my downfall.

"Sinabi ko naman sa'yo Tammy! Kalimutan mo na ang lalaking 'yon!" Mother always yelling at me, simula no'ng nalaman ko na hindi ako tunay na anak ni Mommy ay para bang mas lalo siyang naghigpit.

"Mom, Cairo's a good man—"

"He's not good for you!" paulit-ulit naming pinag-aawayan ang bagay na 'to.

She don't want me near Cairo, kaya pinilit niya akong lumipat sa Divine Word of College - Urdaneta, dito sa Pangasinan. I have no choice but to believe her. She's my Mom, after all.

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now