Kabanata 19

227 5 0
                                    

[No proof read! Happy reading!]
Kabanata 19

"Cheers!" pinagtama namin ni Shane ang baso na hawak, nagtawanan kami matapos sabay na lagukin ang laman nito.

"Kalimutan mo na 'yan, sige, sige, maglibang!" she sing and laugh after. Ako naman ay nakikitawa lang din sa kakulitan ng kaibigan.

Nakailang baso na kami, at hindi ko na rin mabilang kung ilang bote na ang naitumba namin. Pakiramdam ko okay pa naman ako. Kaya ko pa sigurong tumayo.

"Alam mo 'yang mga lalaki na 'yan! Talagang, naku!" para siyang ewan dahil sa mga sinasabi niya, ako naman ay nakangisi na lang, madalas ay natatawa kahit walang dahilan.

"Hey! Shane," familiar voice filled my ears.

Itinaas ko ang ulo ko at pinakatitigan ang lalaki sa harap namin, nanliit ang mata ko dahil nakilala ko siya agad.

"Matt!" walang ano-ano'y tumayo si Shane dahil sa nabanggit kong pangalan.

Matt look at Shane like they know each other for a long time, napangisi ako nang hilain ni Matt si Shane papuntang dance floor. Napailing na lang ako, at ipinagpahinga ang pisngi ko sa malamig na mesa.

"Tam, Tam," naramdaman ko ang pag-yugyog ng kung sino sa balikat ko.

Idinilat ko ang mata ko at nakita ko si Tadd, lumapad ang ngiti ko.

"Who's with you?" tunog galit siya maya napanguso ako.

"Secret!" sabi ko pa at inilagay ang hintuturo sa may bibig, sign of quiet.

"We need to go home, gagalitin mo lang si Cairo niyan," aniya.

Dahil sa sinabi niya ay nag-sink in lahat sa utak ko, kung bakit ako andito. Kung bakit ako nagpapakalasing. At kung bakit ang unfair ng mundo.

Tuloy-tuloy ang pag-daloy ng luha ko at hindi ko alam kung kailan ito titigil. Baka hindi na tumigil pa. Baka forever na akong umiiyak. Baka forever na akong masasaktan.

"I'm so sorry," Tadd said. Naupo siya sa tabi ko at pagkatapos ay inilalayan na akong tumayo. May mga sinabi siya sa taong 'di ko maaninag, it's probably Shane and Matt, dahil humalik pa nga si Shane sa pisngi ko at pinunasan luha ko.

I think, pain will stay here. Isang taon na ang nakalipas pero heto pa rin ang sakit sa sistema ko.

Like they love to stay and hurt me over and over again.

Hanggang sa maging manhid ako. Hanggang sa mamatay ako.

"Iuuwi na kita," huling salitang narinig ko galing sa kay Tadd. Nagpahila na lang ako at nakatulog din agad sa sasakyan niya.

"Let's stay like this," the boy whisper at the girl.

"I don't want to, we're siblings..."

I open my eyes, kasabay nang pagtunog ng alarm clock. Tumayo ako at kamuntik pang mahulog sa kama kakaabot sa maingay na alarm clock.

Nang napatay ko na, ay hinilot ko ang sariling sintido. What a dream?

Bumangon na lang ako at isinantabi ang nasa isipan at ang panaginip. Diretsyo ako sa banyo at naligo. Andito ako sa bahay namin sa Pangasinan. Sinong nag-uwi sa akin? Itatanong ko na lang kay Mommy mamaya.

Suot ang cotton shorts at spaggetti strap na sando ay lumabas na ako ng kuwarto.

"Mommy!" tawag ko sakanya habang pababa ako sa magarbong hagdan. Linggo ata ngayon kaya abala ang lahat sa garden. Nakahiligan na ni Mommy na ipaayos sa tatlo niyang maids ang garden sa labas.

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now