Kabanata 20

257 5 0
                                    

Kabanata 20
Her

Nagkulong ako sa kuwarto matapos ang interaksyon na nangyari sa pagitan namin ni Cairo. Maghapon akong iyak nang iyak. Ayoko namang bumaba, at baka mapansin pa nila ang pag-iyak ko. Magmumukha lang akong tanga. Magmumukhang kawawa.

"Shane," tamad na tamad kong sinagot ang tawag niya.

Nakauwi na siguro sila Cairo kasi hindi ko na nakita ni-anino nilang mag-shota sa buong bahay. Nakapag-ikot na rin ako, after few hours.

Yakap ko ang sarili, nakatayo ako rito malapit sa pool, tanging suot lang ay silkrobe, na pinailaliman ng magkapares na bikini.

"Kamusta?" She asked, sounds so happy. Buti pa ang isang 'to, masaya.

"Asaan ka ba? Akala ko ba pupunta ka rito sa bahay? Gagala tayo sa Baguio." sabi ko, nagtatampo.

"Sorry na talaga Tamiah, si Matt kasi e." she giggled, umirap ako. I imagine her being so happy and drunk with Matt's kissed. Dirty mind leave me alone, please.

"Bukas ba pupunta ka na rito?" tanong ko nang maiba naman ang pinag-uusapan namin.

"Oo ba, text me your full address, papahatid na lang ako diyan."

"Matt knew my address already. Remember we're friends way back then," sabi ko pinakatitigan ang parehabang pool sa harap. Gusto ko ng mag-swim!

"Okay then, papahatid ako. Anyway, maliligo lang ako, talk to you later." pagpapaalam niya.

"Okay," I said and the line is cut.

Nagbuga ako ng hangin at ibinaba ang cellphone at ipinatong sa mesa sa tabi lang ng monoblock chair.

The pool is so peaceful, palagyan ko kaya ito ng ilaw para maging party pool? Napangisi na lang ako sa naisip. Sabagay, that will look fun. Pwede rin 'yon ah.

And why I'm talking to myself?

Napailing na lang ako ulit at kinalas ang pagkakatali ng ribbon sa roba ko. Hinubad ko ito at ipinatong sa upuan.

Lumapit ako sa pool at tumalon na sa tubig. Niyakap agad ako ng malamig na tubig, sumisid ako at dinama ang sarap nito. Umahon din agad para kumuha ulit ng hangin, at nang nakasanghap na ako ng hangin ay pumailalim ulit ako para sumisid ulit.

Langoy lang ako ng langyo pabalik-balik sa dulo at sa unahang parte. Hindi nakakasawang lumangoy. Natigilan lang ako dahil may narinig akong kanta na nagmumula sa isang cellphobe dahil hindi naman ito kalakasan.

Rewrite the Stars na alam kong kinover ni Kristel Fulgar at Marlo Mortel.

Natigil ako sa paglangoy, and by an instinct. Tumigil ang mata ko sa isang bulto sa may kinalalagyan lang ng roba at cellphone ko.

I saw Cairo Eleazar, staring at me intently. He's topless and wearing varsity short. Naglakad siya sabay ng ritmo ng kanta na kakasimula pa lang. Tumalon siya sa tubig, hindi nagtagal.

Linangoy niya ang distansya sa pagitan namin. Nang nakalapit siya'y hinawakan na niya ang baywang ko.

"You aren't Kaila," aniya na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Kumunot ang noo ko.

Nakita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya.

"W-what do you mean?" halos mamaos ako dahil sa sinasabi niya. Ako si Kaila di'ba? Paanong hindi ako si Kaila? How come?!

"Cairo, stop fooling around. Hindi magandang biro!" gusto ko siyang sampalin. Hinawi ko rin ang kamay niya sa baywang ko.

Ngumisi siya, pero nagulat pa rin sa pagtanggal ko sa kamay niya sa aking baywang.

Her Name (Not A Love Story)Where stories live. Discover now