Chapter 5

4.2K 87 8
                                    

We Got Married

Chapter 5

Today is our wedding day. Hindi ko ininvite ang mga bullies, and sina ate Abi. Aasarin lang naman din kasi nila ako.

Nasa kabilang room si Thomas, hindi daw kasi pwede magkita ang groom at bride before the wedding. Ang arte, fake lang naman 'to.

Inaayusan na ako ngayon. Kinakabahan ako, wala pang kaalam-alam sila Mama dito. Nahihiya ako, si Lola naman kasi.

Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan.

"Come in." Sigaw nung baklang make up artist. Ang talakera niya kanina pa niyan ako kinekwentuhan.

"Bully!! Today is your wedding day pala, wala kaming alam. Nakakatampo ka na!" Sigaw ni Cienne kasama ang iba pa.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Mangaasar lang sila.

"I invited her ija. Pati mga magulang mo and --"

"Ate Ara!!!"

"O my gosh! Baby Josh." Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"I can't breath baby."

"Sorry ate. I miss you so much." Sabi niya at pinugpog ako ng halik.

"Baby, omg! Masisira ang make-up ng ate ara mo." Napatingin si Baby josh sa make-up artist.

"Who are you?" Hala. Ang taray. Haha.

"I'm John sa umaga, Joanna sa gabi." Haha. Natatawa ako, nanlilisik kasi mata ni Baby Josh.

"Whatever. Ate Ara, who's your husband pala? Diba i told you before, na bago ka magpakasal dapat close muna kami." Nakapout niyang sabi.

"His name is Thomas. Kasing cute mo siya, baby. Tapos sweet tsaka gentleman."

"Ehem. Cute daw guys."

"Tapos sweet pa daw."

"And gentleman."

Kabwisit talaga 'tong si Cienne, Kim and Cams. Gumaganon na rin si Cams, improving.

"Really? I want to see him. They told me na he's a famous basketball player daw. Kasing tangkad din ba siya ni Kuya Jeron?"

Humagalpak ng tawa ang mga baliw kong team mates.

"Uhm. Baby, baba ka muna di pa kasi ako tapos ayusan." Sabi ko na lang.

"Lakas sumegway Arabells! Hindi masagot e." Pambubully pa ni Kim. Argh.

"Is he tall, ate Cienne?"

"Uhm.--"

"No. But unlike Jeron, Thomas is faithful." -Mika

Natahamik kaming lahat.

"Miks.." Tawag ko sa kanya pero ngumiti na lang siya.

"Baby Josh, may candy ako. Tara sa labas?" Pambabasag ng katahimikan ni Kim, nginitian ko siya. Awkward kasi.

"Mika--"

"I'm okay guys. Don't worry."

"So, kitakits na lang mamaya Daughterf? Goodluck."

"Thanks motherf. Sige po. Ingat kayo guys!"

"Arte. Sa baba lang kami." Tumawa na lang ako. Inayusan na ulit ako. Ang lamig ng kamay ko.

Nagbukas ulit yung pinto.

"Daks-"

"Goodluck Ara. Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka nun ha? Patay talaga yung dwendeng yun sa akin."

"Haha. I will. Thank you Daks."

Naiiyak siya. Hindi naman totoo 'to pero sobrang sineseryoso nila.

**

Hold me close

don't ever let me go, I am yours,

with all of my heart,

all of my soul

Naglalakad na ako ngayon sa aisle. Kasama ko si Motherf and Fatherf. Bakit di sila Mama? Di naman daw kasi 'to totoo.

"Daughterf. I-enjoy mo lang 'to ha? Follow your heart okay?" Tumango lang ako.

"Grabe naiiyak ako." Sabi pa ni Ate Aby. Hahaha. Bakit ba nila sineseryoso 'to?

"Ara, goodluck. Kahit maliit yan, malaki naman ang puso niyan." Sabi naman ni Kuya Bolick.

"Baliw ka talaga fatherf." Nagtatawanan kami. Napatingin ako sa unahan at nagtama ang tingin namin ni Thomas.

Never lookin' back, you set me free

Hindi ko alam kung bakit ganito ang kanta, malungkot but masaya at the same time

Sobrang sincere ng mga mata niya, parang may sinasabi pero hindi ko mabasa.

Napalingon ako sa tabi niya. Si Axel. Nginitian niya ako at ganun din naman ang ginawa ko.

You are my everything

The very air I breathe

Feeling ko ang haba haba ng aisle na nilalakadan ko. Tapos yung mata niya sa akin lang nakatutok.

And your love is all I ever need to know

That we can live this life

Forever side by side

"Motherf, sinong pumili ng kanta?" Kating kati na ako. Hindi ko mahanap yung connection sa amin ni Thomas yung kanta.

"Si Thomas." Napakunot ang noo ko, napangiti na lang siya.

You give me strength to face the tides

You're the sunlight in my sky

The way you look into my eyes,

I feel brand new, alive,

Eto na.

"Goodluck again Daughterf. I love you." Ugh. Feeling ko tuloy totoong totoo. Bakit ba ganito sila umakto.

Binigay na ni Kuya Bolick yung kamay ko kay Thomas.

"Thomas, alagaan mo yan." Kuya Bolick. Naiiyak ako.

"Makakaasa ka." Sabi ni Thom at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Cuz they tell me that I'm yours, and

You're mine

Maraming ceremonies ang ginawa and wala akong naintindihan. Lutang ako, at ang kati kati sa katawan ng wedding gown ko.

At yan na ang vows, traditional wedding daw 'to kaya yung pari yung magsasabi at gagayahin lang namin. Ang arte. Paano?

"I, Thomas Christopher Torres, choose you Victonara Salas Galang to be my wife, to respect you in your successes and in your failures, to care for you in sickness and in health, to nurture you, and to grow with you throughout the seasons of life."

Napasimangot ako, Victonara daw. Ngumiti na lang siya. It's my turn.

"I, Victonara "Ara" Salas Galang, --" nagtawanan sila. Ayoko kasi ng Victonara.

"choose you Thomas Christopher to be my husband to respect you in your successes and in your failures, to care for you in sickness and in health, to nurture you, and to grow with you throughout the seasons of life."

Nagpalitan kami ng ring. It's a simple ring with a diamond in the middle.

"I pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride." Sabi ng pari. Wait yung pari ay isa sa prof ko. Haha.

Tinaas ni Thomas yung veil ko.

"Are you going to kiss me?" Tanong ko.

"Yes. I'm going to kiss you, Mrs. Torres."

**

Twitter : CallmynameWatty

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon