Chapter 15 - Myco Antonio

3.3K 62 8
                                    

Try kong may title sa bawat chapter. 

We Got Married 

Chapter 14 

"Ara! Ara! Ara!" Nagulat ako ng tawagin nila ako ng sabay sabay. 

"Naks. May manliligaw lang na isang Thomas Christopher Torres, tulala na. Parang nung first kiss niyo lang ah." 

"Shut up, Kim!" Napaub-ob ako sa table ng canteen. Nasa canteen kami ngayon, vacant namin e. Nakabalik na kami kahapon pa, pero parang kanina lang nangyare ang pagtatapat ni Thomas. 

"Wag ka na kasing mahiya Ara, okay lang yan. Natural lang yan sa isang katulad mo." 

"Katulad kong ano?" Napataas yung ulo ko. Kainis. 

"Oh, pikon agad. Meron ka no?" 

"KIM!" Naghahabulan kami ngayon sa canteen. Para kaming mga tanga. Kainis naman kasi sabihin ba daw yung mga ganun, tapos sa matao pang lugar. 

"Ara!" Sigaw ni Kim pero huli na kasi may nakabangga na ako. Tumayo ako, at umalis na. Pake ko dun, di ko siya kilala. 

"Queen!" Napatigil ako sa paglalakad. Isa lang ang tumatawag sa akin ng ganun. Napalingon ako at para akong tinuklaw ako ng ahas. 

"M-myco?" Tawag ko dito. Ngumiti siya at madali akong niyakap. 

"I missed you." 

"H-ha?" Yun na lang ang nasagot ko. 

"Wifey!" Napabitaw ako sa yakap at tumakbo papalapit kay Thomas. Life saver. 

"Mr. Torres?" Napapikit ako. Myco, please. 

"Yes? Husband ni Ara. And you?" Namula ako ng wala sa oras. Nag-smirk lang si Myco. 

"Myco Antonio. BEST FRIEND ni Ara." Naghand shake sila pero parang magbabalian sila ng kamay. 

 Nag-fake cough ako at  sabay naman silang nagbitaw ng kamay. 

"Sige, Queen. Aalis na ako. See you, LATER." Tumango na lang ako. Kainis, hindi pa rin siya nagbabago. 

"Sino yun?" Tanong sa akin ni Thomas. 

"Hindi mo ba narinig?" Pagtataray ko. Tatanong pa alam naman e. 

"Tinatanong ko lang, baka mamaya maagaw ka sa akin, makapatay pa ako ng panget.

** 

Hinatid ako ni Thomas sa dorm dahil nagaalala daw siya sa later na sinasabi ni Myco. Paranoid lang. 

"Oh, dorm na po ito. Baka pwede ng bitawan yung kamay ko, ano po?" Hinatid niya ako gamit yung kotse niya pero hawak hawak niya hanggang sa makadating kami dito sa dorm ang kamay ko. 

We Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon